Chapter 1

8.5K 134 20
                                    

Shaiane pov..

"Kate!!" Humahangos kong bigkas! At bigla nalang akong napa balikwas nang bangon mula sa pagkaka higa. Hingal na hingal at halos maligo na ako sa sarili kong pawis. Samantalang malamig naman ang buga nang aircon dito sa aking kuwarto.. Sobrang bilis nang tibok nang puso ko, na para bang kagagaling ko lang sa mabilisang pagtakbo.





Bigla bigla pa akong nakakaramdam nang pag kirot nang aking sentido. Pero agad din naman itong nawawala. Kapag ganito yung nangyayari sa akin, nakakaramdam ako nang takot at pangamba, na baka bumalik yung sakit ko noong bata pa ako. Pero sabi naman nang Mama ko, hinding hindi na daw yun babalik kahit kailan. Eksperto daw kasi yung doctor na nag asikaso sa akin noon at tuluyan nang nawala ang aking brain tumor. Palagi kong dalangin, na sana nga- sana tuluyan na akong gumaling. Sabagay, sampong taon naman na ang lumipas at bukod sa pagkirot minsan nang ulo ko, wala naman na akong ibang nararamdaman.






Nang medyo kumalma na ako, nagpasya akong tuluyang bumangon at lumabas ako nang kuwarto. Tumungo sa may hagdanan, tsaka marahan akong humakbang pababa nang naka ramdam ako nang pagka uhaw. Malalim na ang gabi at tyak kong mahimbing na din ang tulog nang mga kasama ko dito sa bahay. Nag tuloy ako sa may kusina para uminum nang tubig.. Maliwanag naman ang buong paligid dahil ayoko talagang nagpapatay nang mga ilaw. Dahil nga sa ganitong sitwasyon noon, pakiramdam ko takot na ako sa dilim, dahil yung nangyari noon pakiramdam ko iyon ang pinaka madilim na nangyari sa buhay ko.






Yung panaginip ko-- bigla ko na namang naalala. Napahilamos tuloy ako nang mukha gamit ang dalawa kong palad, pagka lapag ko sa ibabaw nang lamesa ang baso,.matapos kong maubos at nasaid ang laman niyong malamig na tubig galing fridge..









Hanggang ngayon, wala akong pinagsabihan na kahit na sino ang tungkol dito.. kahit sa magulang ko. Wala eh, lagi namang busy ang mga ito.. Isa ba itong bangungot!? Dahil madalas ko nalang itong napapanaginipan simula nang magka malay ako, pagka tapos nang aking operasyon at wala na akong maalala sa aking nakaraan.. At kailan ba nung huling nangyari sa akin ito-- two months ago? Halos, pare- pareho lang ang nangyayari sa panaginip ko, parehong eksena, parehong lugar.. Kaso-- hindi ko alam kong saang lugar ba ang nasa panaginip ko, never ko pa yun napupuntahan.







*Angkas daw ako sa isang motorsiklo habang binabaktas namin ang paliko likong daan. Kasama ang isang ekstrangherang babae na laman lagi nang panaginip ko. Mahigpit ko daw syang yapos mula sa kanyang likuran. Na syang nagmamaneho nang naturang motorsiklo. Pero sa panaginip ko, kakaiba ang nararamdaman, parang may galak ang puso ko. Parang pakiramdam ko kompleto ang pagkatao ko, parang kilalang kila ko daw iyong babae. Kaso never ko pang nakikita yung kanyang mukha, bukod sa puro likod lang yung nakikita ko may suot kasi itong itim na helmet.






Inabot na daw kami nang dilim sa aming paglalakbay, kasabay pa nun nagsimula na ang malalaking patak nang ulan.. Pagka tapos, wala man lang kabahayan puro puno, magubat at sa kaliwang bahagi nang daan, isang matarik na bangin. Nakaka takot! Parang konteng maling galaw lang nang sinasakyan namin maari kaming mahulog doon.





"Babe, kumapit ka nang mabuti ha.." Malamyos na tinig na utos nung babae sa panaginip ko. At kaagad ko naman daw sinunod iyon. Napapa ngiti pa nga daw ako dahil sobrang sarap nitong yakapin kaya naman,hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. Sinandal ko pa ang ulo kong may suot na helmet sa likod nito..






Lalo pang bumuhos ang ulan, sobrang lakas na para bang may paparating na unos, lalong dumilim ang paligiran. Bukod sa mga nadadaanan naming signage, wala man lang street lights. Pero nanatiling panatag ang kalooban ko, na para bang pakiramdam ko kahit ganito kasama yung panahon. Safe parin ako dahil kasama ko sya. kasama ko si Kate!?








"Only For You" (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon