CITIZENSHIPPagbalik ko sa trabaho, excited akong sinalubong ni Arlene, ang isa sa kaclose ko sa work.
Niyakap niya ako sabay sabi na sobrang namiss niya ako.
"Six days lang naman akong nawala." Katwiran ko habang sabay kaming pumasok sa kitchen ng Timmies na pinagtatrabahuhan namin.
Nagwelcome back din sa akin ang baker namin na si Karamjit, bumbay na kasundo ko din sa trabaho.
"Oo nga pero iba pa din yung nandito ka. Mas masarap iyong meron akong katsismisan."
Sasabihin ko sana sa kanya na mamaya ko na ibibigay ang pasalubong ng biglang sumulpot si Kiran sa kitchen.
Tinatawag si Arlene para tumulong sa counter.
"Iwan muna kita at baka mapagalitan na naman ako ni Mam." Imbiyernang sabi niya.
Dumiretso ako sa locker para iwanan ang dala kong backpack at para na din makapag-alis ng suot na hoodie.
Fall season na at unti-unti ng lumalamig ang panahon lalo na sa madaling araw.
Umiikli na din ang liwanag at napalitan na ang kulay ng mga dahon sa puno ng yellow, red at brown.
Kahit sanay na ako sa pagpapalit ng seasons, I'm still not looking forward to winter.
But saying that was like wishing for the sun not to rise or to set.
Fact of life na 'yan.
Kahit magnovena pa ako sa lahat ng santo, hindi mapipigil ang pagdating ng winter.
Pagkatapos kong maglog-in, dumiretso na ako sa counter.
Breakfast time at sa sobrang haba ng pila, bukas na ang pinto sa entrance kung saan nakatayo ang mga customers at maingay na nagkikwentuhan.
Pareho kaming supervisor ni Arlene at nakita ko na busy siya sa paga-assist sa sandwich station.
Si Kiran naman, nakatutok sa drive-thru.
Dahil nakabawi na ako sa jetlag, hindi na umaalon ang pakiramdam ko.
Nakapagfocus ako sa trabaho at bago ko namalayan, naubos na din ang mga tao sa pila at oras na para magrefill ng mga stocks para sa lunch hour.
Nasa stockroom ako ng dumating si Arlene.
"Kumusta ang bakasyon mo?" Tanong niya sabay hugot sa isang sleeve ng extra large coffee cups.
"Masaya naman." Sagot ko habang tinitingnan ang listahan ng mga paper products na kailangan sa counter.
"Kumusta sina Nanay?" Kumuha siya ng isang box ng plastic stirrer at pinatong sa ibabaw ng cart.
"Okay naman sila. Hayun. Masaya kasi kahit papaano, nakauwi ako."
"Excited ka na ba para sa citizenship exam mo?" Nakangiting tanong niya.
"Oo pero kinakabahan ako. Paano kung hindi ako makapasa?"
"Ano ka ba? Huwag mong isipin iyan." Pang-aalo niya.
Eight years na si Arlene sa Canada at citizen na din siya.
Siya ang una kong sinabihan na dumating na ang sulat galing sa embassy.
Sa sobrang tuwa niya, nilibre niya ako sa Nando's para magcelebrate.
Kapag naging citizen na daw ako, ako naman ang taya.
Gusto niya daw, sa downtown kami pumunta at kakain kami sa Stephen's Avenue.
"Kung gusto mo, tutulungan kitang magreview. Isa pa, may mga online exams na pwede mong gamiting guide. Matalino ka naman at kayang-kaya mong i-perfect ang exam."
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
Lãng mạnSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...