@herpanda04, as requested. Enjoy!!!
"Hindi mo pa din daw inaccept ang friend request ni Lise?"
Kausap ko sa Skype sina Nanay at kanina pa ako kinululit ni Ate kung bakit wala pa din akong response sa request ni Lise.
"Ate, busy ako." Nawawalan na ako ng bala kung anong rason ang ibibigay ko sa kanya.
"Ano ba kasi ang reason at ayaw mo siya maging friend?" Tanong niya habang ngumunguya ng manggang hilaw na sinasawsaw niya sa alamang.
Dahil maasim, hindi niya mapigilan ang mapapikit.
Pati tuloy ako, nangangasim sa ginagawa niya.
Wala pa namang Indian mango dito.
Puro Ixtapa o Itaulfo na walang sinabi sa mga mangga sa Pinas.
"Huwag mo na nga kasing uriratin pa? Bakit ba ang kulit mo?"
"Oo nga naman, Estee. Tigilan mo na nga iyang kapatid mo. Kung ayaw niya, di mo siya mapipilit." Kampi ni Nanay sa akin.
"Eh kasi naman, kailangan ni Lise ng friend ngayon." Kay Nanay siya nakatingin.
Ako naman, naintriga sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ni Nanay.
"Eh mukhang there's trouble in paradise." Sumulyap siya sa screen para tingnan ako.
Nakatutok na din ako sa screen ng laptop dahil curious na malaman kung bakit.
"Hindi niya naman sinabi sakin ng diretsahan pero mukhang maghihiwalay na sila ni Dan."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa narinig pero parang bumigat ang dibdib ko.
Isa pa, parang naging obligado akong tanggapin ang friend request niya.
Nung kami pa, hindi maiiwasan na magshare siya ng problems niya with Dan.
Ayaw na ayaw niya na sinasabi sa akin pero ako ang makulit.
Alam ko kasi kapag wala siyang gana.
Kahit nakangiti, ang lamlam ng mga mata.
Tapos malimit nakatulala.
Kahit mahirap sa akin na malaman ang personal details tungkol sa kanila ni Dan, tinitiis ko na lang lalo na at nakikishare lang naman ako sa kanya.
Kaya lalo akong napamahal kay Lise kasi bakit daw hindi ako nagseselos?
Noong wala pa si Dan, madali lang kasi wala akong kasalo sa kanya.
Well, meron pero malayo siya.
Pero lumabas lahat ng tinago kong selos nung umuwi na ito at nakikita ko na hinahawakan siya o di kaya hinahalikan.
"Di kaya dahil sa hindi sila magkaanak?" Usisa ni Nanay.
"Hay naku! Hindi lang iyon ang problema nila. Sabi niya, sobrang dominante nung biyenan niya lalo na iyong babae. Sobrang matalak daw. Para siyang bata kung pagsalitaan. Eh kilala niyo naman si Lise di ba? Hindi iyon papatalo. Gusto niya nga daw na humiwalay sila ni Dan pero ayaw nito pumayag."
"Tantiya ko, malabo ng magkaanak si Lise. Ilang taon na ba siya? 43?" Tanong ni Nanay.
"Nay, 37 na siya sa birthday niya. Maliban na lang kung may milagro, baka magkaroon siya ng baby during her menopause."
"Naku! Mahihirapan na siya manganak." Sumawsaw si Nanay sa mangko ng may alamang.
"Matagal na daw siyang unhappy sa marriage nila. Kaso, kahit gusto niya humiwalay, hindi daw ganun kadali."
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomanceSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...