A/N: Sorry for the delay in updating this story. I have been very sick.***
Isang linggo na din ang lumipas since I decided to accept Lise's friend request.
Noong umpisa, akala ko magkakailangan kami dahil sa ang akala ko talaga, malinaw na tapos na ang lahat sa amin.
Pero noong una siyang tumawag, ang sabi niya, hindi naman daw siya manggugulo.
Naging masaya daw siya ulit ng makita niya ako.
Kahit matagal na daw kaming hindi nagkita at nagkausap, narealize niya na what we had was special.
Ayaw niya daw itapon na lang ang lahat.
Kung willing daw ako na bigyan siya ng chance, she wanted us to be friends.
Hindi ako nakasagot agad.
The truth was, I told her I would think about it.
"Ganoon ba ako kasama, Nel?"
"It's not that."
Lumungkot ang itsura niya at nakonsensiya naman ako.
"Do you really believe na pwede tayong maging friends after everything that happened to us?"
Tumingin siya ng diretso sa camera at parang nanunuot ang mga titig niya sa kaluluwa ko.
"Yes. Naniniwala ako. Pero hindi iyon mangyayari kung hindi mo ako bibigyan ng chance to prove to you na I can be a very good friend."
"At kung hindi iyon mangyari?"
"Then ako ang unang iiwas sa'yo." Kampanteng sagot niya.
I was hesitant not because I was afraid she would fall in love with me but because I don't trust myself when it came to my feelings for her.
Nabasa yata ni Lise ang iniisip ko dahil nagsalita siya ulit.
"If ever ikaw ang maging problema, then ako pa rin ang iiwas sa'yo if that's how I prove to you na wala akong masamang intensiyon."
Huminga ako ng malalim bago pumayag.
In that span of time, naging confidante niya ako lalo na when it came to her marital troubles with Dan.
Noong una, ayaw niyang magshare.
Pero dahil alam ko naman kung ano ang real score between them dahil na din kay Ate Estee, ako na ang unang nagtanong kung okay lang ba siya.
Alam niya kung ano mismo ang tinutumbok ko.
I can see na she's deeply affected by the situation dahil parang pumayat siya at nangangalumata.
Lagi ding may lungkot sa mga mata niya.
Kahit pinipilit niyang maging masaya kapag magkatext kami or during video calls, hindi niya maikakaila na nahihirapan siya.
Natural ayaw pumayag ni Dan sa gusto niyang mangyari.
Feeling ni Lise, she's running out of options at nasasakal na siya.
Her mother-in-law was a domineering woman na araw-araw ay wala ng ginawa kundi ungkatin ang pagiging childless nilang mag-asawa.
The worst part was when Lise was compared to a young niece of Dan who got pregnant at seventeen.
"Kung sino daw iyong hindi dapat mabuntis, yun pa ang nabuntis."
It was as if she was being blamed for what happened to the girl.
![](https://img.wattpad.com/cover/194821296-288-k381919.jpg)
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomanceSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...