Chapter 24: Truth

1.1K 65 4
                                    




Kasasara ko lang ng pinto at aalis na sana papasok ng bumukas ang pinto sa taas at lumabas si Maricar.

Mukhang aalis din siya pero hindi niya suot ang uniform ng Tim's.

Nagulat siya ng makita ako at mukhang ganun din siya kasi nagkatinginan kaming dalawa.

Siya ang naunang nagtanong kung papasok na ako.

Oo lang ang sagot ko.

"Sabay na tayo papunta sa bus station." Anyaya niya.

"Okay." Pinagbuksan ko siya ng pinto at nauna siyang lumabas sa gate.

Noong una, tahimik lang kaming naglalakad.

Tatlong linggo na din ang lumipas mula ng umiwas ako sa kanya.

Nasanay na din ako sa set-up namin na sa work lang nag-uusap.

Napansin ko na nabawasan na din ang pagpunta niya sa basement.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ni Maricar ng marating namin ang alley.

"Hindi naman. Bakit?"

"Umiiwas ka kasi sakin eh. Kung hindi ka galit, bakit bigla kang nagbago, Chan?"

"Mas maigi na yung ganito, Maricar. Alam mo kung anong nararamdaman ko para sa'yo. I don't want to be your friend but I know that's all you can offer."

Malungkot na ngiti ang binigay niya sa akin.

"Naguguilty kasi ako. Dati, we used to be so close tapos ngayon, parang naiilang ka kapag magkasama tayo. Gusto ko sanang ibalik yung dati."

"Ayoko kasing makagulo sa inyo ni Ely. Bigyan mo lang ako to get over my feelings for you then maybe things will go back to the way it was."

"Hirap lang kasi akong tanggapin na iniiwasan ako ng taong tinuring kong bestfriend."

"Ouch!" Sinapo ko ang dibdib ko to emphasize how much it hurts to hear that word.

Yun lang pala talaga ang papel ko sa kanya.

"Chan," Hinawakan niya ang braso ko, "hindi ko intention na saktan ka."

"Alam ko naman. Kaya nga ako na lang ang umiwas eh. Kita ko din naman kasi na you're really in love with Ely."

"Speaking of Ely, nag-usap na kami."

"That's good then. Di ba iyon ang gusto mo?"

"Oo. Nalaman ko ang reason kung bakit hindi niya ako kinocontact."

"Anong reason?"

"He wanted to surprise me."

"Anong surprise?"

"Nag-apply siya papuntang Canada."

"Wow!" Ako naman ang nagulat.

"Talaga? Ginawa niya iyon?"

"Oo. Gusto niyang siguraduhin na okay na ang application niya bago niya ako kausapin."

"Are you happy sa ginawa?"

"Oo. Doon ko napatunayan na mahal niya talaga ako."

"Good for you. At least magkakasama na kayong dalawa."

"Fingers crossed. Mahaba ang proseso pero I'm hoping na maging smooth sailing ang lahat. Kaya nga pupunta ako sa simbahan eh. Gusto kong ipagdasal ang application niya."

From her words, I realized how much Ely meant to her.

A part of me was relieved I decided not to pursue her.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon