Nang tumayo si Lise para mag-CR, tinanong ako ni Ate Estee kung okay lang ito."I think so. Kanina pa kasi niya gustong mag-CR nung nasa biyahe kami." Palusot ko.
"Ikaw naman kasi." Sermon ni Kuya sa kanya.
"Alam mo ng may pinagdaraanan yung tao tapos puro tungkol sa pag-ibig ang pinag-uusapan natin." Kumuha siya ng beer at binuksan ito gamit ang bottle opener.
"Excited lang naman ako dahil magkakalove life ka na."
"Sino naman ang may sabi sa'yo na wala akong love life?"
Tiningnan ko si Kuya.
Minsan hindi niya talaga alam kung kelan ititikom ang bibig niya.
"Baka lust life meron." Pang-aasar ni Ate.
"Wala ka kasing bilib sa kakayahan ko eh. Ang alam mo lang ay asarin ako."
"Uy! May hugot si tabachingching." Kikilitiin sana siya ni Ate sa tagiliran pero nahuli ni Kuya ang kamay ni Ate.
"Aray naman!"
Parang mga batang paslit ang mga nakatatanda kong kapatid.
Tumigil lang sila ng bumalik na si Lise at umupo sa tabi ko.
Mukhang naghilamos siya kasi medyo mamasa-masa ang pisngi niya.
"Okay ka lang, Lise?" Tanong ni Ate.
"Oo naman. What did I miss?" Nakasmile niyang tanong.
"Ano nga ba ang name nung rebound girl?"
"Huwag mo nga siyang tawagin ng ganyan?" Yamot na sabi ni Kuya.
"Eh hindi mo naman kasi sinasabi kung anong pangalan niya?"
"Pangalan nino?" Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Nanay.
May dala siyang isang pack ng green Nagaraya.
"Yung dyowa ni Hugo." Sagot ni Ate.
"Si Maggie?" Si Nanay ang sumagot.
"Kilala niyo?" Nanlaki ang mata niya
"Oo." Sabay bukas ni Nanay ng Nagaraya.
"Tumawag siya dati at nakausap ko. Mukhang mabait naman."
Ang laki ng ngiti ni Kuya Hugo kasi mukhang okay kay Nanay si Maggie.
"May picture ka?" Nakangising tanong ni Ate.
"Huwag na. Baka mamaya pintasan mo pa si Maggie."
Hinila ni Ate ang manggas niya.
"Sige na. Patingin."
"Ayoko nga."
"Tumigil nga kayong dalawa. Para kayong mga bata." Saway ni Nanay.
"Hindi na kayo nahiya kay Lise."
Nalipat ang tingin nila kay Lise na tahimik lang na nakikinig.
"Ikaw, hija. Kumusta ka na?"
"Okay naman po ako."
Tinanong siya nito tungkol sa trabaho niya at magalang namang sinabi ni Lise na maayos naman ang lagay niya sa kumpanya.
Kinumusta din ni Nana yang Mama ni Lise.
"Okay naman po siya. Active po sa simbahan."
"Mabuti at meron siyang pinagkakaabalahan?"
Kumuha si Nanay ng Chippy at ngumuya.
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomanceSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...