Chapter 22: Fall

1K 53 2
                                    




Umiikli na ang araw at nagpalit na ng kulay ang mga dahon.

Kung dati ay luntian ang mga puno, ngayon ay dilaw at kahel na ang nangingibabaw.

Ramdam ko na rin ang malamig na simoy ng hangin at ang mabilis na pagdating ng gabi.

Bukod sa mga pagbabagong ito ay nandiyan din ang DST or Daylight Savings Time.

We have to turn back the clock an hour which is good in a way.

Hindi ko kailangang gumising ng maaga dahil I get an extra hour of sleep.

Kasama sa pagpapalit ng season ang pagbabago sa amin ni Maricar.

Medyo binabawasan ko ang pakikipagmalapitan sa kanya.

After ng usapan namin sa mall kung saan inamin ko kung ano ang tunay kong nararamdaman, nagdecide ako na umiwas ng konti.

Ayokong paasahin ang sarili ko.

Baka kung ipagpatuloy ko ang pagiging close sa kanya, ako lang ang mafall.

Kapag nasa work kami, normal ang turingan namin.

Nagbabatian kami, nginingitian ko siya at nakikipag-usap ako ng maayos.

Pero kung dati ay ako ang nauunang magyaya sa kanya para kumain kami sa labas lalo na kung sweldo, ngayon ay hindi ako nangi-imbita.

Naglie-low din ako sa pagtatanong sa kanya tungkol kay Ely.

Wala naman din siyang nababanggit kung ano na ang nangyayari sa kanila at ayokong ako ang mag-open ng topic.

It's not my business anymore.

Mabuti din at nabago ang schedule niya kaya hindi na kami magkakasabay papasok at pauwi.

Ginawa siyang graveyard shift habang hindi pa nakakapaghire ng permanent coverage.

Sinabi pa nga niya na natatakot daw siya kasi baka delikado ang panggabi.

I assured her na safe naman.

Bukod sa may security cameras sa store, minsan ay may mga pulis din na tumatambay para magkape.

Isa pa, tahimik naman ang lugar kung saan nakatayo ang coffee shop.

Aaminin ko na nakakapanibago.

Kung dati ay wala kaming boundaries, ngayon ay naiilang ako.

I regret admitting what I felt.

Feeling ko, I was jilted kahit wala pa namang nangyayaring ligawan.

Perhaps it was because what I felt wasn't reciprocated.

I should take it as a sign na mahal niya talaga si Ely.

Ayoko din namang maging rebound lalo na kung dumating ang time na iiwanan niya lang din ako kapag narealize niya na she's not over her ex.

Mas masakit kapag invested na ako sa kanya tapos she would just break up with me.

Pero mukhang ako lang naman ang nakakaramdam ng ganun kasi wala namang nagbago kay sa kanya.

Malambing pa din siya at maasikaso.

Pumupunta pa din siya sa basement para makipagkwentuhan at manood ng movies sa Netflix.

Pero kung dati ay nakakaramdam ako ng comfort kapag naglalambing siya, ngayon ay napalitan ng lungkot na may kasamang panghihinayang.

Hindi ko kasi alam kung saan ako lulugar sa kanya.

Feeling ko, naging complicated ng umamin ako na may gusto ako sa kanya.

Si Lise ang napaghingahan ko ng lahat.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon