Chapter 4: Reproductive Issues

1.7K 78 2
                                    




Tatlong oras na naming kasama si Lise pero hindi pa din bumabalik si Dan.

Ilang beses na siyang nagsabi na aalis na lang at maglalakad-lakad pero hindi pumayag sina Nanay.

Kesyo bakit daw ito magsosolo eh nandoon naman kami to keep her company?

I learned na wala pa din silang anak hanggang ngayon.

She had two miscarriages, been to the doctor countless times for workups and her mother-in-law even suggested going to Obando para mag-offer ng dasal kay Santa Clara.

Kumakain ako ng fruit salad while she was telling the story at bigla akong natawa ng marinig ko ang kuwento niya.

Naibuga ko tuloy ang pulang kaong at naglanding ito sa lamesa.

Napatingin silang lahat sa akin.

Nagsorry na lang ako dahil baka sabihin ni Lise, ang bastos ko.

Alam niya naman na hindi ako ganun.

But I was thinking na baka ma-offend siya dahil hindi ko ina-acknowledge ang struggles niya.

But wait?

Why do I even care?

Problema nilang mag-asawa yun.

I shouldn't be affected kung childless sila hanggang ngayon.

But she and I used to be together.

Kahit pa hindi naging maganda ang ending ng story namin, it doesn't mean na I couldn't show sensitivity towards her.

Kahit noon, open si Lise sa family ko.

Except for what's going on between us, she talked to my parents about her family, her childhood, how she used to work sa accounting department ng engineering firm nina Dan and how she loved her career.

Ayaw niya sanang igive-up ang work niya pero hindi pumayag si Dan.

Kaya naman siya nitong buhayin lalo pa at marami na itong naipon from his years of working in Dubai.

"We were opposites." Pag-amin ni Lise.

Kung siya, liberal ang point of view, si Dan, conservative.

When she met his parents, naintindihan niya kung bakit.

Yung mommy nito, tumigil sa pagtuturo when she married his dad.

May kaya ang pamilya nila at ang gusto ng daddy niya, alagaan lang siya at ang mga anak nila.

Sa bahay daw ang lugar ng babae ayun sa paniniwala ng tatay ni Dan.

"My mother-in-law loved being a housewife." Minsan niyang nasabi sa akin.

"She loved it so much that she had six kids."

Si Dan ang youngest.

"Okay lang sa in-laws mo na wala pa kayong anak?" Usisa ni Ate Estee na may hawak na Coke in can at pinaglalaruan ang straw.

"Of course not. Kung pwede ko nga lang isoli si Dan at makipagdivorce, ginawa ko na." Malungkot na sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ni Nanay.

"Kasi po, araw-araw, lagi niya akong kinukulit about having kids. I knew it would happen the minute na pumisan kami sa kanila and it drove me crazy."

"Baka naman kaya hindi ka magkaanak ay dahil sa stress?" Sumubo si Nanay ng leche flan.

"Siguro nga po. Either that or I'm barren."

Napatingin kami lahat sa kanya.

Malungkot ang itsura niya, defeated even.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon