Chapter 42: Anticipation

933 49 2
                                    




Nasa Pilipinas na si Nel.

She landed on March 17 at 8:35 in the morning.

I know dahil she had her phone on at nagtext na siya to tell me na nakapila na siya sa immigration and waiting for her turn to be cleared.

Ang haba daw ng pila at gutom na siya.

Hindi niya nakain ang breakfast na sinerve sa plane dahil hindi niya gusto ang longganisa at fried rice.

Everything tasted like cardboard sabi niya.

Naubos niya na daw kasi ang baon niyang peanut butter cookies pati na din ang cheese sandwich na pabaon sa kanya ni Maricar.

Dapat daw nakinig siya kay Maricar ng sinabi nito sa kanya na magdala ng maraming food.

Pero dahil tamad siyang magbitbit, hindi niya dinala.

Naawa naman ako sa kanya.

Mahaba ang flight niya at siguradong pagod siya dahil hindi daw siya masyadong nakatulog.

Bukod kasi sa excited siya,  she was seated between two men.

Yung isa daw, ang lakas maghilik.

Yung isa naman, nakabukas ang iPad at naglalaro ng candy crush.

Kahit daw sinuot niya ang headphones niya, parang nagbavibrate sa tenga niya ang paghilik ng lalake at ang tunog ng game.

"Sorry to complain a lot." Pumasok ulit ang text niya.

"It's okay. I'm here as your sounding board."

"Can you believe it?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, I sensed na excited siya.

"I'm here. In the same time zone as you."

"Oo nga eh. I can't wait to see you."

"Me too."

Nagpaalam na siya dahil tatlong tao na lang daw at turn niya na.

Putol-putol din ang tulog ko ng nakaraang gabi.

Excited din kasi ako.

Kahit hindi pa kami magkikita, sabik na sabik na ako na magkaharap kami.

This will be different than when we accidentally saw each other in Tagaytay.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya noon.

Hindi lang gulat.

Galit din siya.

Kung pwede nga lang siguro na tumakbo siya palayo, ginawa niya na.

Kaso, magtataka ang mga kapatid niya lalo na at ang alam nila, close kami.

I was also surprised pero I have to conceal what I feel dahil kasama ko si Dan.

Pero I couldn't deny na I was stunned to see her.

Who knew that after all those years, magkikita kami ulit?

Pinaglalaruan yata kami ng tadhana.

Hindi na kasi umasa na makikita ko siya.

Ilang taon ko din siyang hinanap sa Facebook.

Pero high level yata ang security niya dahil kahit anong pangalan ang i-type ko, hindi ko talaga siya mahanap.

Ganoon yata talaga.

Ang taong nagtatago, gagawin ang lahat para hindi makita.

Dahil hindi ako dalawin ng antok, bumangon na lang ako ulit at naghanap ng movie.

I have no specific genre in mind pero when a particular title caught my attention, I clicked on it.

It was Love Story.

The movie we saw together and where I got to kiss her for the first time.

Love means never having to say I'm sorry.

Gasgas na gasgas ang linya na iyan but I said the same thing to her when I broke off the kiss.

Nagsorry ako.

I felt ashamed dahil sa ginawa ko.

Feeling ko kasi, I took advantage of her.

Isa pa, natakot ako na baka tumakbo siya palabas at isumbong niya ako sa nanay niya.

That would have been very scandalous.

Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap sa pamilya niya lalo na at pinagkakatiwalaan nila ako.

Nang maramdaman niya na I felt awkward, she said something to ease off the tension.

"Lise, remember. Love means never having to say I'm sorry."

I laughed at niyakap niya ako.

In doing so, she took away all my fears and made me feel that what I did, what I felt, was what she wanted too.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon