Chapter 28: Misery Needs Company

1K 54 0
                                    




What Dan did made me really angry.

Nanatili akong nakaupo at nag-iisip long after marinig ko na pinaandar niya na ang sasakyan.

Kung hindi pa bumaba si Mama, hindi pa ako kikilos.

Pinaghanda niya ako ng hapunan kahit pa sinabi ko na ayokong kumain.

She insisted at sinabi na kahit may problema ako, hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko.

"You have a long battle ahead of you, anak. Kailangang maging malakas ka para harapin ang bagay na ito." Sabi niya habang nilalapag ang plato sa lamesa.

Hindi niya na ginising ang kasambahay namin na si Lita para makapag-usap kami ng maayos.

Nabanggit niya na bago ako dumating, tinanong niya si Dan kung bakit ito napasugod.

Kay Mama ko nalaman ang detalye ng bigla niyang pagdating.

Tinawagan pala siya ng dati nitong boss for a new project sa Dubai.

Hindi daw siya makatanggi dahil malaki ang utang na loob niya sa project manager na iyon bukod sa malaki din ang bayad.

Nasabi din ni Dan kay Mama na hindi siya makikipaghiwalay sa akin.

Gagawin niya daw ang lahat para magsama kami ulit.

Binibigyan niya daw ako ng space para makapag-isip ng mabuti.

"I don't know, Ma. I'm not going back to him at sinabi ko na iyon sa kanya ilang beses na. The two of us were done a long time. How can you call a union as such if my opinions doesn't matter? I don't have a say and I wasn't made to feel like my words have value. Kung hindi siya ang masusunod, ang nanay niya."

I saw pity in my mother's eyes.

"I think you need to talk to someone who is an expert in these matters. Alam ko na buo na ang desisyon mo. You've been unhappy for a long time. Kahit hindi mo sabihin sa akin, nararamdaman ko na merong bumabagabag sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Dan is being an ass."

"Sinabi ko naman sa'yo na he doesn't look like the type na gigive-up ng ganun na lang."

Lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Hindi ko tuloy malasahan ang kinakain ko but I finished it just the same dahil nag-effort si Mama para ipagluto ako.

That night, hindi ako makatulog.

After mapagod sa kakatitig sa dilim bumangon ako at binuksan ang lamp shade sa gilid ng kama.

Kinuha ko ang paperbook na The Girl With The Dragon Tattoo mula sa nightstand at binuklat ito para basahin pero I could barely get through a paragraph.

Binaba ko ulit ang libro at kinuha ang laptop.

After rebooting, I logged in to Facebook at dumating ang message ni Nel.

She said hi.

I looked at the time.

It was three in the afternoon sa kanila.

She was supposed to be at work dahil 10-6 ang shift niya.

Ano kayang ginagawa niya sa bahay?

"Hi. Wala kang work?" Kinuha ko ang isang unan at pinatong sa likuran ko.

"May trangkaso ako."

Bigla akong nag-alala.

"Can I see you?"

"Okay."

Naglog-in ako sa Skype and after what seemed like forever dahil sa bagal ng internet, I saw her calling.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon