Nagmamadali akong lumuwas ng Maynila para puntahan si Lise.Sinabi ko kay Kuya Hugo ang nangyari at hindi siya pumayag na magmaneho ako kaya hinatid niya ako papunta sa Santos Gen kung saan sinugod si Lise.
Ayon sa Mama niya, pinuntahan daw ito ni Dan sa opisina.
Nagkainitan ang dalawa at sinaktan ito ni Dan.
Hindi niya na dinetalye ang nangyari dahil umiyak na lang siya bigla.
Magkahalong awa at takot ang naramdaman ko.
Nagpasya ako ng puntahan si Lise at ang mama niya para damayan silang dalawa.
Saglit lang akong naligo at nagbihis din agad.
Pitaka at phone lang ang dala ko dahil wala na akong time na magbitbit ng iba pang gamit.
"Ako na ang bahalang magsabi kay Nanay kung bakit ka umalis." Sabi ni Kuya Hugo ng makasakay kami sa kotse.
"Tatawagan ko mamaya si Nanay para hindi siya mag-alala."
"Magtataka iyon, Nel. Paano kung kulitin ka niya?" Nilingon ako ni Kuya.
"Ako na ang bahala. Basta ipangako mo na kahit anong mangyari, hindi ka magkikwento ng kahit ano sa kanila. Gusto ko na sa akin manggaling ang lahat kung sakaling magtanong si Nanay."
Hindi siya sumagot.
Pagdating sa ospital, sinamahan ako ni Kuya na hanapin ang room ni Lise.
Umakyat kami sa tenth floor kung nasaan ang ward niya.
Tumigil ang elevator sa sixth floor at ng bumukas ito ay may pumasok na dalawang babae.
Doctor ang isa at blonde ang kasama nito.
Ngumiti silang dalawa sa amin at ng tumalikod at napansin ko na nakatulala si Kuya Hugo habang nakatingin sa blondie.
Siniko ko siya sa tagiliran.
Doon lang siya kumurap.
Nauna kaming bumaba sa dalawa.
Nasa Room 1001 si Lise.
Pagpasok ko, nakaupo sa tabi niya ang mama niya at pinagmamasdan ang anak.
May benda si Lise sa mukha.
Kita ang mga pasa nito at sabog din ang labi.
Meron din siyang cast sa kanang kamay.
"Ano pong nangyari?" Halos maiyak ako ng makita ang hitsura ni Lise.
Tumayo ang mama niya at yumakap sa akin.
Umiiyak siya na kinuwento ang engkwentrong naganap sa anak at kay Dan.
Bigla na lang daw sumulpot ito sa opisina.
"Ang kuwento ng katrabaho niya na si Liezl, tinawagan nito si Lise at nagbanta na kung hindi siya nito bababain eh susugurin siya nito sa loob."
Nagpaaalam daw si Lise si Lise sa boss niya at sinabi na merong emergency na kailangang harapin.
"Mabuti na lang at sumunod sa kanya si Liezl dahil naabutan niya si Dan na binubugbog si Lise."
"Lasing na lasing daw ito at walang tigil sa pagsuntok sa anak ko."
"Halos nakasalampak na ito sa pader ng abutan ni Liezl."
"Kung hindi pa niya tinulak si Dan, baka napatay niya na ang anak ko." Humagulhol ang mama ni Lise.
Nanginginig ang kalamnan ko sa nalaman.
Hindi ko namalayan na nakakuyom ang mga kamao ko dahil sa galit.
"Mabuti na lang at nagboboxing iyon si Liezl dahil nung muntik na siyang suntukin ni Dan eh nasalag niya tapos ginantihan niya ng suntok. Knock-out si Dan at wala pa ding malay nung dumating ang mga pulis."
Nang tumigil sa pagsasalita ang mama ni Lise ay saka lang niya napansin na meron akong kasama.
Pinakilala ko si Kuya Hugo.
Tinanong ko ang mama ni Lise kung meron kaming maitutulong.
Nagpasalamat siya na dumating kami ni Kuya at nakiusap kung pwedeng bantayan ko muna si Lise.
Uuwi lang daw siya para kumuha ng gamit.
Nag-offer si Kuya na ihatid siya sa bahay nila at pumayag naman ito.
Pagkaalis nila, nilapitan ko si Lise at marahang hinalikan sa noo.
Tulog pa din siya marahil sa gamot na binigay sa kanya.
Nabuhay na naman ang galit na kanina ay naramdaman ko.
Pero ano pa ba ang magagawa ko?
Nangyari na ang lahat.
Nasa kulungan si Dan at nasa ospital naman si Lise.
Kinuha ko ang phone para tawagan si Nanay.
Ang tagal niya bago sumagot dahil hindi niya laging matandaan kung saan niya nilapag ang cellphone.
Nang marinig ko ang boses niya, sinabi ko kung ano ang nangyari.
Gulat na gulat siya at tinanong kung okay lang si Lise.
Sinabi ko na natutulog pa ito.
Binanggit ko na din kung nasaan si Kuya Hugo para hindi siya mag-alala.
"Uuwi ka ba mamaya?"
"Hindi po muna. Samahan ko na lang muna sila dito ng mama niya dahil baka meron po silang kailangan."
"O sige. Kung gusto mong sunduin ka ng tatay mo, magtext ka na lang."
Nagpaalam na ako sa kanya.
Puno ng pagmamalasakit si Nanay para kay Lise at sa Mama nito.
Lalo tuloy akong nakonsensiya.
Pero hindi ngayon ang tamang panahon para magtapat sa kanila.
Pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Dan, makakapaghintay ako.
Hinawakan ko siya sa kaliwang kamay.
May mga gasgas din siya sa braso.
Laking pasalamat ko na sinundan siya ni Liezl.
Kung hindi siya dumating, baka hindi lang ganito ang inabot ni Lise sa kamay ng asawa.
"Nandito lang ako." Bulong ko.
"Paggising mo, nasa tabi mo lang ako." Dumaloy na ng tuluyan ang luha ko.
Kasalanan ko kung bakit ito nangyari kay Lise.
Kung hindi ko sana sinunod ang puso ko, hindi siguro ito mangyayari sa kanya.
Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng self-pity at umungol si Lise.
"Babe, it's me." Tumayo ako at marahang hinaplos ang ulo niya.
Dahan-dahan bumukas ang mga mata niya at inaninag ang itsura ko.
Nang makita niya na ako nga ang kasama niya, umiyak si Lise.
Pilit niyang inaangat ang kanang kamay para yumakap sa akin.
Dinikit ko ang katawan sa kanya para yakapin siya.
"It's going to be okay." Bulong ko.
Hikbi lang ang sagot niya.
"Don't worry, babe. I'm here now." Umiyak na din ako.
Habang yakap ko siya, doon ko naramdaman na dapat ko siyang protektahan.
May nabuong plano sa isip ko.
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomanceSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...