Chapter 29: Housewarming

1K 50 2
                                    




Sa Quezon City nakabili ng bahay si Liezl at Shirley.

Four o'clock ang start ng party at dahil unfamiliar ako sa lugar, alas-dos y medya pa lang ay umalis na ako.

Mama was glad that I was making friends.

Mas mabuti daw kesa magmukmok ako sa loob ng bahay.

It would take my mind off of thinking about Dan and our situation.

Ang totoo, ayoko na sanang pumunta.

Si Liezl lang naman talaga ang kakilala ko at wala ako sa mood makipagsocialize.

Pero Mama and Nel were one in saying na I should go.

Kailangan ko din daw maglibang at hindi puro trabaho at problema na lang ang iisipin ko.

Madali daw akong tatanda kung hahayaan ko na lang ang sarili ko na laging nai-stress.

Nel watched me get ready.

After a week, gumaling na siya and she was back to her jovial self.

Hindi pa din siya bumabalik sa work dahil her doctor advised her to wait one more day to make sure na magaling na talaga siya and that she's not infectious.

Mahirap na at she handles food and talk to people all the time.

I was standing in front of the computer wearing a purple velvet robe habang nakaupo lang siya sa sofa at nagsasalansan ng baraha sa coffee table.

"What do you think of this?" I showed her a blue round neck loose tunic shirt to pair with distressed skinny jeans.

The shirt hugged my curves and the jeans emphasized my long legs.

"Nice." Nagthumbs-up siya.

"Good." Pinatong ko sa kama ang damit bago umupo sa tapat ng dresser to put make up on.

Dati pa, ganito ang gawain naming dalawa.

We like to dress each other and it usually takes a long time before we're good to go.

Nel likes to take off my clothes at kung saan-saan napupunta ang mga damit ko dahil we'd end up making out.

I felt hot thinking of those moments kaya bago saan pa mapunta ang isip ko ay nagbihis na ako.

Sinabi ko sa kanya na itatalikod ko muna ang laptop to give me some privacy pero nagprotesta siya.

"It's not like I haven't seen you naked before."

"Kahit na. My body isn't the same as it used to be. Baka mamaya pintasan mo lang ang katawan ko."

"Lise, kahit laylay o marami ka ng bilbil, you know it's not important to me."

"Basta. I'm doing this to leave a little mystery between us."

Bago pa siya magprotesta ulit, inikot ko ang laptop at tinapat sa bintana.

Tinanggal ko ang suot na robe at naglagay ng moisturizer sa buong katawan.

"Are you still using the Japanese Camellia Body Crème?"

Natigilan ako sa paglalagay ng cream sa balikat nang magsalita si Nel.

Even after all these years, she still remembers what I like?

"Paano mo nalaman?"

"Sabi ko naman sa'yo eh. I still remember your routine." Confident na sagot niya.

"Is the  answer yes?"

"Oo na."

"It's really unnecessary na nakaharap ako sa jalousy at pinagmamasdan ang kulay yellow na kurtina."

Pinagpatuloy ako ang paglalagay ng body cream.

Hindi ko na lang pinansin ang reklamo niya.

Kahit close na kami ulit, being naked in front of her is very intimate.

Besides, kahit pa sabihin na she used to possessed my body, it feels strange na bigla na lang akong maghubad sa harap niya.

Pagkatapos magbihis, hinarap ko na ulit ang laptop.

Sumipol si Nel when she saw me.

"You looked gorgeous." Sabi niya.

"Bola!" Hinagis ko sa monitor ang tuwalya at di sinasadyang natakpan ang camera.

"I'm telling you the truth. You looked hot."

Hinila ako ang towel at nakita na binitawan niya na ang bahara at nakatutok na ang atensiyon niya sa akin.

I blow dried my hair at bago nagpaaalam sa kanya,  blew her a kiss onscreen.

"Have fun at the party." She kissed her fingers then waved.

Kahit weekend, matraffic pa din dahil malapit nang magpasko.

May mga bitbit na shopping bags ang mga tao dahil abala sa pamimili ng pang-regalo.

I still have to buy a gift for Mama.

She suggested na maghanda kami ng konting salu-salo for Christmas dahil darating ang mga amiga niya from church at ang ilang kaclose niya sa dating trabaho bilang retired municipal employee.

Sinabi niya na pwede kong imbitahin kung sinuman ang gusto ko.

But aside from Estee and Liezl, the only other person na gusto ko sanang makasama ngayong pasko was so far away.

Nalulungkot ako kapag naiisip ko si Nel.

She did mention na she will be spending it with Jackie and Maricar kaya huwag daw akong mag-alala.

Still, hindi pa din maalis sa isip ko na sana nandito siya at kasama ang family niya.

Sanay na daw siya.

"But there is someone I will miss this Christmas."

"Sino naman iyan?"

"Ikaw."

"Talaga?"

"Oo naman. Mabuti na lang at nag-usap tayo ulit. I feel less alone kahit ang layo mo sakin."

"I'm going to miss you too."

Bigla akong nagkaidea.

"If you want, let's talk sa Christmas Eve. That is if you don't have plans."

"Sounds good."

The thought made me happy.

Nagprompt ang Google map na I should make a left turn by the traffic lights.

I did and drove through a narrow street.

Ang bukana, puro lumang bahay.

Pero habang patuloy ako sa pagmamaneho, the street led to a tree-lined road at wala ng masyadong kabahayan.

Private yata ang lugar dahil bukod sa mga kulay green na tricycle, walang jeep na dumadaan.

Malinis ang lugar at tumigil lang ako sa pagmamaneho ng marating ang isang gated community.

Marbella Village ang pangalan na nakalagay sa gilid ng red brick wall.

May guard na nagbukas ng gate at lumapit sa sasakyan ko.

Tinanong kung saan ako pupunta at binigay ko ang pangalan ni Liezl.

Hiningan ako ng ID at pinapirma sa visitor's sheet bago tuluyang pinapasok.

Pagkapirma, tinanong ko kung saan ang bahay nina Liezl.

Dalawang bloke lang ang layo sa gate.

Sa kanang bahagi daw ng kalsada.

Madali ko daw makikita dahil kita sa labas ang mga bonsai trees na tanim nila.

Nagpaalam na ako sa guwardiya at pinaandar ko na ulit ang sasakyan.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon