Chapter 58: The Odds Are Never In Your Favor

923 52 3
                                    




Noong nasa ospital ako ay tinanong ko si Mama kung meron sa mga kamag-anak ni Dan ang dumalaw habang nakaratay ako.

Wala daw.

"Bakit? Umaasa ka ba na pupunta sila dito pagkatapos ng ginawa ng tarantadong iyon?"

Hindi ko ini-expect na pupuntahan nila ako para kumustahin.

Iba ang nasa isip ko.

Tatlong araw pagkatapos kong makauwi sa bahay ay nangyari ang inaasahan ko.

Dumating ang nanay ni Dan isang hapon.

Sanay talaga siya na bigla na lang sumusulpot.

Mabuti na lang na noong dumating siya ay umalis si Nel at pumunta sa grocery.

Hindi nakalampas sa akin ang gulat na rumehistro sa mukha niya ng makita ang mga pasa at sugat ko sa mukha.

Nakabenda pa din ang kaliwang kamay ko dahil sa pilay.

Inalok siya ni Mama ng maiinom pero tumanggi siya.

Hindi naman daw siya magtatagal.

Umupo sa tabi ko si Mama.

Inokupa naman ng biyenan ko ang armchair.

"Lise, hindi ko akalain na gagawin ito ni Dan." Panimula niya.

"Ano pong dahilan at pumunta kayo dito?" Kahit hindi kami magkasundo, nanatili akong magalang sa kanya dahil ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko.

"Meron sana akong ipapakiusap sa'yo." Medyo nahihiya niyang sabi.

Bago pa mangyari ito ay tinawagan ako ni Attorney.

Sinabi niya na kahit anong mangyari, we are fighting for a no deal case.

Pinagsabihan niya ako na huwag makipagnegotiate kahit kanino.

My mother-in-law was one of them.

"Expect mo na darating siya. Sabi mo nga, mahal na mahal niya ang anak. If she's a typical mom, she will do everything to keep her son out of prison."

"Kung pwede sana, iurong mo ang demanda sa ginawang pambubugbog ni Dan. Mabait ang anak ko at alam mo iyan. Sobrang lasing lang niya kaya nagawa niya ang bagay na iyon."

Kinuyom ko ang kanang kamay at pilit na nagtimpi.

"Aba." Nagsalita si Mama.

"Yan ba ang justification mo sa ginawa ni Dan? Ang lasing siya? Eh kung napatay niya ang anak ko, isisisi mo pa din sa alak?" Sigaw ni Mama.

Nagsalubong ang kilay ng biyenan ko.

Kilala ko na matapang siya.

Kahit sa loob ng bahay, wala itong sinisino.

Kahit ang asawa niya, takot sa kanya.

Ang mga katulong, kung maliitin, parang mga walang dangal.

Pero dahil alam niya na malaki ang atraso ng anak niya at may malaking pabor siya na hinihingi, hindi niya magawang awayin si Mama.

"Lise, parang awa mo na. Alam mo naman na wala akong tutol kong maghiwalay kayo ng anak ko. Pero kung itutuloy mo ang kaso laban kay Dan, maaari siyang makulong."

"Sana naisip niya iyan bago niya ako sinugod sa trabaho at sinaktan."

"Nagsisisi naman siya sa ginawa niya eh. Ang sabi pa nga niya, mahal na mahal ka niya at hindi din daw niya alam kung bakit niya ginawa iyon."

"Hindi ako naniniwala."

Natigilan ang biyenan ko.

"Plinano niya na ang lahat. Nagsinungaling siya at sinabi na hindi pa siya uuwi pero ang totoo, nandito na siya sa Pilipinas. Sinundan niya ako, kumuha siya ng mga pictures na gagamiting ebidensiya laban sa annulment case na sinampa ko sa kanya. At hindi pa siya tumigil sa ganoon. Tumawag siya at nagbanta na susugurin ako sa opisina kung hindi ko siya bababain. Sabihin niyo ngayon sa akin kung alin sa mga bagay na iyon ang hindi niya alam?"

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon