Wala naman talaga akong pangarap na mag-abroad.Dati, kapag naiisip ko na malalayo ako sa family ko, lungkot at takot ang nararamdaman ko.
Dahil bunso, spoiled ako kina Nanay.
Kapag meron akong gusto, kahit hindi nila agad naibibigay, sinusubok pa din nilang i-provide.
Kaya nga inggit na inggit sa akin ang mga kapatid ko kasi ang swerte ko daw.
Silang dalawa kasi, sa public school nag-aral.
Ako lang ang pumasok sa private school.
Bago kasi ako pinanganak, kapos sa pera ang magulang ko.
Pero dahil pareho silang matiyaga ni Tatay, biniyayaan ang pagsisikap nila.
Matipid silang mag-asawa at nakaipon ng pera para makabili ng van.
Nung una, isa lang.
Tapos nadagdagan pa ng isa hanggang sa maging tatlo.
Dahil hindi pumapalya sa pagbabayad ng loan, madaling nakakautang si Tatay sa bangko kapag kailangan niya ng pera.
Sabi ni Ate, sobrang paghihigpit daw ng sinturon ang ginagawa nila dati.
Hindi sila basta-basta nakakanood ng sine kasama ang mga barkada nila dahil budgeted ang lahat.
Kung mabibigyan man sila ng extra money, iyon ay kung may malaking natitira.
Nung pinanganak ako, maalwan na ang buhay namin.
Kapag nagkikwento sina Ate at Kuya na malimit daw silang kumain ng Lucky Me Noodles, sardinas at scrambled egg na pinagkakasya nila sa apat na katao, hindi ko maimagine kasi hindi na kasama sa diet namin ang mga pagkain na iyon.
Kumakain lang kami ng sardinas kapag gusto namin, kapag umuulan at trip namin kumain nito o di kaya kapag niluluto ni Nanay para sa agahan.
Mula elementary, sa private school na ako nag-aral.
Kapag tinatamad akong pumasok, laging pinapaalala sa akin ni Ate na napakaswerte ko kasi hindi ko kailangang mamuroblema kung saan ako kukuha ng pambaon.
Minsan naiisip ko na siguro naiinggit siya sa akin.
Pero hindi ko naman siya masisisi kasi things came easy for me.
Kung meron akong kailangan para sa project sa school, huhugot lang si Nanay ng pera sa wallet tapos pupunta na ako sa SM para bilhin ang mga kailangan ko.
Most of the time, sobra pa ang binibigay niya sakin para daw makakain ako sa Jollibee.
Tuwing pasukan, bago lagi ang mga gamit at sapatos ko.
Sabi ni Kuya, nung sila daw, pudpud na ang swelas ng sapatos nila, hindi pa mapalitan.
Akala ko nagjojoke lang siya pero totoo daw sabi nina Nanay.
Matagal na akong manager sa Starbucks ng magkaroon ng opportunity na pumunta ng Canada.
Yung ibang kasama ko, nauna ng umalis.
Ini-encourage nila ako na mag-apply pero ang lagi ko lang sinasabi, sige, susubukan ko.
Hindi naman kasi ako interesado.
Yung sahod ko kasi, solo ko.
Nagbibigay lang ako ng pera kay Nanay para panggrocery tapos sa akin na lahat.
Nabibili ko din ang gusto ko.
Pati hindi ko mga kailangan tulad ng hilig kong rubber shoes, T-shirts at pabango, nabibili ko without any second thoughts.
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomanceSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...