Maliwanag pa ang sikat ng araw pagdating namin sa downtown.Nakatingala si Maricar sa nagtataasang buildings at namangha sa nakikita.
"Parang Makati lang ano?" Sabi niya habang naglalakad kami palayo sa train platform.
"Saan mo gustong pumunta?" Kasalukuyan kaming nasa 1st Street sa tapat ng The Bay Department Store.
Gray ang kulay ng façade at mula sa malalaking display windows ay kita ang mga leather purses tulad ng Coach, Guess at iba pang signature brands.
May mga taong nakatayo sa tapat at naghihintay ng kanya-kanyang bus.
"Ikaw na nga ang bahala."
"Ano bang gusto mong gawin? Magshopping? Maglakad-lakad lang? Lumanghap ng sariwang hangin? Ano?"
"Di ba may park dito?"
"Meron. Princes Island. Gusto mo punta tayo dun tapos lakarin natin papuntang Peace Bridge."
"Sige. Type ko kasi yung mga nature-nature churva."
"Okay. Dun tayo pumunta."
Naglakad na lang kami papuntang 3rd Street pero dahil sa gusto niyang picturan ko siya, natagalan bago kami nakarating sa park.
Bawat sulok kasi, gusto niya na kuhanan ko siya.
"Grabe ha? Naging official photographer mo ako."
"Eh kasi ayaw mo naman akong samahan sa picture."
"Sawa na kasi ako sa mga view na iyan. Mamaya na lang kapag nasa Peace Bridge tayo. Maganda dun."
Paglagpas namin sa Old Spaghetti Factory, natawa bigla si Maricar.
"Old ba talaga ang mga spaghetti na siniserve nila?"
"Sira!" Nagtawanan kaming dalawa.
Dahil maliwanag pa at habang maaliwalas pa ang panahon, maraming tao kaming kasabay na naglalakad.
Hinila ko si Maricar sa gilid kasi may mga dumadaang bikers na akala mo hari ng daan.
"Ang ganda pala dito ano?" Sabi niya habang nakatanaw sa Bow River.
Malakas ang agos ng malinaw na tubig.
Sa gilid ay maraming nagjajogging at yung iba ay nakaupo lang sa tabing-ilog habang nagkikwentuhan.
"Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" Tumabi ako sa bandang kaliwa niya.
"Oo. Si Jackie kasi, ang gusto niya magshopping. Eh ayoko pang gumastos kasi meron pa akong binabayaran bukod sa kailangan kong magpadala ng pampagamot ni Papa." Lumungkot ang itsura niya.
"Bakit? Anong sakit niya?"
"Kidney failure. Malakas kasi yun uminom. Akala mo wala ng bukas kung makalaklak ng Ginebra. Parang tubig lang sa kanya. Then two years ago, naospital siya. Doon namin nalaman na malala na ang kalagayan niya. Once a week siya kung magpa-dialysis. Kaya din ako nagpursige na mag-abroad kasi wala namang work si Mama."
"Panganay ka ba?""Hindi. Ako ang pangalawa sa tatlong magkakapatid. Si Kuya Arthur, nasa London. Nurse siya dun kaso may pamilya na. Maldita yung manugang ko at may pagkamadamot kaya bihirang makapagpadala si Kuya. Tatlo din ang anak nila kaya kapos din."
"Eh yung bunso?"
"Nagwowork na din sa call center. Buti na lang mabait yun si Jasmine kasi nagbibigay din ng pera para sa gamot ni Papa. Ayaw pa nga niya mag-asawa kasi di pa daw siya sawa sa pagkadalaga bukod sa sakit lang ng ulo ang lovelife."
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomansaSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...