Chapter 49: Bonding

872 43 5
                                    




Nasa sala ang pamilya ni Nel at nanonood ng evening news ng dumating kami.

Pagpasok naming dalawa, tumayo si Estee at hinalikan ako sa pisngi.

Naghello naman ako sa mga magulang niya at kay Hugo na pinapagpag ang mga kamay niya dahil kumakain ito ng potato chips.

Tumayo na din ang nanay ni Nel at tinanong kung gutom na kaming dalawa.

Inabot ko sa kanya ang binili kong isang box ng Krispy Kreme donuts.

"Kumain na po kami, Nay." Sagot ni Nel.

"Saan kayo kumain?" Mataas lagi ang tono ng boses niya.

Akala ko nung una eh lagi siyang galit pero kalaunan eh nasanay na ako.

Sabi ni Nel at Estee, ganun daw talaga ang nanay nila.

Akala mo eh laging may kaaway.

Matakot daw ako kapag hindi ito nagsalita.

"Kumain  po kami sa bahay." Ako na ang sumagot.

"Di po kasi pumayag si Mama na umalis kami ng hindi naghahapunan."

"Ganun ba?" Medyo bumaba ang tono niya.

"O sige." Napansin niya ang overnight bag na bitbit ko.

"Chanel, bakit di mo ilagay ang bag ni Lise sa kuwarto ng Ate mo." Nginuso niya ang second floor.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Napag-usapan namin ito nung nasa biyahe kami.

Hindi kasi niya alam kung saan ako matutulog.

Gusto man niya na sa kuwarto niya ako matulog, nahihiya siya sa magulang niya.

Ang sabi niya kasi, siguradong hindi niya mapipigil ang sarili niya kapag katabi niya ako.

Mabuti na lang at ang nanay niya na ang nagsettle ng dilemma.

"Opo." Kinuha ni Nel ang bag ko at umakyat na siya.

Si Estee naman, kumawit sa braso ko at niyaya ako sa terrace nila para daw makapagkuwentuhan kami.

Bago ako umupo ay nagtanong siya kung gusto ko ng maiinom.

"Bumili kami ng maiinom at chichiria para bukas." Sabi niya.

"May beer, juice, softdrinks."

"Ikaw na ang bahala."

"Gusto kong uminom." Nakangiti siya.

"Okay."

Iniwan niya ako sa terrace.

Pag-alis niya, tumayo ako para tingnan ang dating inuupahan namin.

Pinipinturahan pala ito.

Kung dati ay faded red na ang mga pader, ngayon ay parang maroon.

May terrace na din ito at sa tapat ay may nakaparadang truck.

I had a bittersweet feeling ng makita ko ang bahay.

Nandoon kasi lahat ng memories namin ni Nel.

They were mostly happy moments.

Sa bahay na ito din ako nakadama ng lungkot ng bigla na lang niya akong iniwan ng walang paalam.

Bumukas ang pinto at lumabas si Estee bitbit ang apat na bote San Mig Light.

Kasunod niya si Hugo na may dalang plastic bag na puno ng chips at isang box ng tissue.

Nasa likuran niya naman si Nel na dala ang isang plastic container na may lamang yelo, isang bote ng 1.5 liter Coke at isang malaking mangko.

Tumayo ako para tulungan si Estee na ilapag ang beer sa lamesa.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon