Chapter 52: The Devil's Advocate

838 47 0
                                    




Sirang-sira ang mood ni Lise.

Hindi ko din alam kung paano siya pakakalmahin dahil alalang-alala siya sa nalaman mula kay Delia.

Pumunta kaming dalawa sa bathroom para makapag-usap ng maayos pero wala siyang ginawa kundi magpanic.

"I don't understand why he lied to me."

"Bakit hindi mo siya tawagan?"

"What am I supposed to say?" Tulirong tanong niya.

"The same thing you just told me. Ask him why he said he wouldn't be back until next month when the truth is nandito na pala siya."

"I don't know, Nel. Iba ang kutob ko at hindi ko gusto ang nararamdaman ko."

"Lise," Hinawakan ko siya sa braso, "you won't know the answer kung sa akin mo sasabihin ang mga bagay na gumugulo sa'yo. Why don't you just go straight to the source and be done with this?"

She knew I had a point.

Kinuha niya ang phone sa bulsa ng denim shorts.

Lumayo siya sakin habang naghihintay na may sumagot sa kabilang linya.

Lise is a tall woman but right now, she looked so small.

Naghello siya and I assumed na sumagot na si Dan.

She didn't even minced words dahil diniretso niya na ito.

Sinabi niya na nandito na pala ito sa Pilipinas.

Habang nakikinig, I was looking at Lise's expression.

Habang lumalalim ang guhit sa noo niya, kinakabahan naman ako.

Mukhang naglilitanya si Dan dahil hindi nagsasalita si Lise.

Nang sinabi niya dito na kahit hindi siya susuko kahit sa impiyerno sila makarating, I knew something bad happened.

Matigas ang pagkakapindot niya sa call button.

Nang lumapit siya sakin, her eyes were so dark I thought she was possessed.

"What happened?"

"That fucking asshole!" Sigaw niya.

Napatingin tuloy ang isang babae na papasok sa isang cubicle.

"What did he say?"

Binaba ni Lise ang boses.

"Sinabi niya na sa abogado niya ako makipag-usap. Nasa kanya daw ang mga ebidensiyang kailangan niya. Lalabanan niya daw ang kasong isinampa ko sa kanya."

"Did he say anything else?"

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"He told me he knew about us."

Para akong nabingi sa sinabi niya.

Nang mahimasmasan, I asked kung may nasabi pa si Dan.

"Sinundan niya daw ako. Nakita niya tayo nung sinundo mo ako sa office and when we had dinner doon sa Japanese restaurant." Mangiyak-ngiyak siya.

"Lise, let's not jump into conclusions."

"I'm not jumping into conclusions." Sumigaw siya.

"Calm down." I understand she's afraid but there's no need to yell at me.

It was the wrong thing to say dahil lalo lang siyang nagalit.

"How do you expect me to calm down?" May parating na isang babae na may kasamang bata kaya bumaba ulit ang tono niya.

"By the tone of his voice, parang sigurado na siya na wala akong kalaban-laban."

"Did he mention what kind of evidence he has?"

"No."

"Yun naman pala eh."

"Pero, Nel. Iba ang kutob ko. Kulang na lang tumawa ang demonyong iyon habang kausap ako."

"Hey. I know you're afraid. If what I'm thinking right now is correct, there is no way na pwede ka niyang kasuhan ng adultery."

Natigilan si Lise sa sinabi ko.

"What are you talking about?"

"When you said na balak mong ipa-annul ang kasal ninyo so you can be free, I also did my research. Adultery in the Philippines is between a man and a woman. If that is what Dan is banking on, I'm sure your lawyer can find a way around it."

"I don't know, Nel. When I talked to Attorney Salazar, I didn't mention anything about us dahil it didn't come up."

"Would you have volunteered the information?"

"No. If there's no need for it, why should I?"

"That's exactly my point. Kung tama ako at iyon nga ang pinupunto ni Dan, then he should be ready. If he's digging up dirt para lang i-prove na you have no chance of winning this case, then I guess he should be prepared for the consequences."

"What do you mean?"

"I hate to ask this but are you sure he was faithful to you the whole time?"

Napanganga si Lise.

"I'm just asking. Ayun sa nabasa ko, infidelity doesn't even have to be a reason for annulment. Pero kung yun ang anggulo na gusto niyang pagtuunan ng pansin, I bet your lawyer will also look into it.

Bumuntong-hininga siya sabay tumungo.

I could smell defeat and it hurt me to see her like this.

Kahit natatakot din ako, hindi pwedeng hayaan kong isipin niya na she doesn't stand a chance.

"Lise," Hinawakan ko siya sa baba at tumutulo ang luha niya ng tumingin sa akin, "kung kailangang bumalik ako sa Pilipinas at maging kabit mo habang buhay, gagawin ko."

"Nel..." Lalo tuloy siyang umiyak, "ayaw kitang maging kabit. Gusto kitang maging legit."

Kahit may mga tao sa paligid, niyakap ko na siya.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan nila kami.

My girlfriend needs an assurance that no matter what happens, I will be with her.

Sabi nga niya, kahit sa impiyerno siya makarating gagawin niya.

Kung kailangan ko siyang samahan doon, gagawin ko.

Hindi bale ng pareho kaming maging barbecue basta hanggang sa huli, kami pa rin.

"Tumahan ka na. Sinabi ko naman sa'yo na hindi kita iiwan di ba?"

Inangat niya ang ulo at tumango.

Medyo nakangiti na din siya kaya gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"I'm so scared right now, Nel."

"I know you are. But you're not alone, okay? Kasama mo ako sa labang ito."

"Did you really mean what you said kanina?"

"Alin doon?"

"Na kung kailangang bumalik ka dito sa Pilipinas, gagawin mo?"

"Oo. I will do that for you."

"What about your family?" Bumalik na naman ang takot sa mga mata niya.

"Don't worry about that. Ako na ang bahala."

"Nel, pwede bang humingi ng pabor sa'yo?"

"Ano iyon?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Kung tama ang hinala ko tungkol sa sinabi mo," Tinitigan niya akong maigi bago tinuloy ang sasabihin,  "pwedeng huwag mo munang sabihin sa family mo ang tungkol sa atin?"

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon