Bago dumating ang winter, niyaya ako ni Jackie na sumama sa kanila na pumunta ng Banff para maipasyal si Maricar.Nasa laundry room kaming dalawa at nakaupo ako sa hagdanan habang hinihintay siyang alisin ang mga damit sa dryer.
"Libre ka ba sa Sabado?" Inalis niya ang tingin sa dryer.
"Hindi pero magrerequest na lang ako."
"Sige. Sana makasama ka. Sabihin mo sakin o di kaya text mo ako kung pinayagan ka ha?" Sinara niya ang pinto ng dryer at nilabas ang plastic laundry basket.
Tumabi siya sakin sa hagdanan.
"Chanel, may itatanong nga pala ako sa'yo." Sumeryoso ang mukha niya.
Kinabahan ako bigla.
"Ano iyon?"
"Close kayo ni Maricar ano?"
"Oo. Bakit?"
"Alam mo na les din siya di ba?"
"Oo." Sagot ko habang nag-iisip kung saan papunta ang sinasabi niya.
"Alam mo din na may boyfriend siyang tomboy sa Pinas?"
"Oo. Alam ko din. Bakit?"
"Alam mo din na sobrang seloso ni Ely?"
Hindi na ako sumagot at hinintay na lang siya na ituloy ang sasabihin niya.
"Mabait yun si Ely. Masarap magluto at nagtatrabaho bilang assistant chef. Nameet ko na siya nung huli akong umuwi sa Pinas. Bonus na pogi din siya. Pero..."
"Pero?"
"Alam ko na malimit silang mag-away ni Maricar dahil lagi ko siyang naririnig na umiiyak sa gabi."
This was news to me dahil kahit nagkikwento sakin si Maricar, hindi niya naman dinidetalye ang lahat.
Isa pa, lagi siyang nagpapatawa at ginagawang biro ang sitwasyon niya.
Now I know she was keeping things from me.
Ayaw niya din sigurong magmukhang kawawa o baka nahihiya din siya lalo na at malimit siyang magsabi sa akin ng problema nila ni Ely.
"Sinabi ko na sa kanya dati na mabuti pa kung magbreak na lang sila para pagdating niya dito, wala siyang alalahanin." Patuloy ni Jackie.
"Sinubukan niya naman daw pero nagmakaawa si Ely kaya pumayag siya ng long-distance relationship. Hayan tuloy. Wala na silang ginawa kundi magtalo dahil sa kakaselos ni Ely. Kung tutuusin, maswerte si Ely sa pinsan ko. I'm not saying this dahil kamag-anak ko si Maricar pero alam ko na loyal yun. Siya yung tipo na kapag nagmahal, binibigay niya lahat. Hindi marunong magtira sa sarili kaya sobrang masaktan kapag merong problema."
"Bakit mo sinasabi sakin 'to?"
"Dahil kilala ko din na palabiro si Maricar. Minsan, naririnig ko ang usapan ninyo ng hindi sinasadya."
Di daw sinasadya eh may pagkatsismosa talaga siya.
"Nakikita ko din na sweet kayong dalawa. Malambing talaga yun kahit noon pa. Kaya nga pati mga lalake, minsan namimisinterpret ang kilos niya kaya nililigawan siya kahit pa chicks ang type niya."
"Anong point mo?"
Tiningnan niya ako ng seryoso.
"Ayokong mafall ka kay Maricar."
"Don't you think it's up to me to decide that?" Naoffend ako kasi parang pinangungunahan niya na ang mangyayari.
"Oo. But you won't be the first person to make that mistake. Isa pa, kaibigan kita. Close kami ni Maricar at close din tayong dalawa. Ayokong dumating ang time na maipit ako sa inyo dahil sa love love na iyan."
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
Storie d'amoreSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...