@dyrareintj, thanks for the song suggestion :)
***
I welcomed the New Year feeling hopeful.
With fresh eyes and a clearer vision, I felt more alive.
Mas nadagdagan pa ang saya ko dahil Nel and I are official.
Para akong high school girl who was giddy with the thrill of a new romance.
Iba talaga ang feelings ko pagdating sa kanya.
Nakakabata yung kilig na dala ng mga sweet things na sinasabi niya.
Her promises made me believe na things are possible kahit pa we have to figure out how to navigate this new aspect of our relationship.
Kahit pa sabihin na this is the sequel to what we had years ago, parang bago sa pakiramdam ko ang lahat.
Mas lalong nakadagdag sa pananabik ko yung pagiging long distance ng relationship namin.
Kapag nagigising ako at nakikita na nakatitig siya sa akin with matching cute na cute na smile, gusto ko man siyang i-kiss, the only thing I could do was to reach out my hand and touch the screen.
Alam niya na yun ang ginagawa ko dahil she would echo my sentiments.
Tatanungin niya ako kung gusto ko din siyang hawakan o haplusin?
Kapag sinabi ko na oo, she would say na yun din ang gusto niya.
Pagpasok ng January 1, I told her na I'm doing a countdown.
I even bought a calendar sa National at dinikit ko sa dingding.
Bumili na din ako ng red Pentel pen para markahan ang paglipas ng mga araw with a big red X.
Yung date ng uwi niya which was on March 15, may malaking red heart.
Hindi pa ako nakuntento sa drinowing na puso, I shaded the inside kaya pulang-pula.
The thought na uuwi siya at magkikita kami ulit made my heart jumped for joy.
Gusto kong hilahin ang mga araw para nandito na siya.
Pero my happiness is not really complete.
Hindi nakaligtas kay Mama na lagi akong nakangiti at good mood.
One Saturday, maaga akong nagising at ako mismo ang naghanda ng almusal namin.
For Christmas, niregaluhan ko si Mama ng Nespresso machine.
Bukod kasi sa favorite niya si George Clooney, lagi niyang sinasabi na sana daw meron kaming coffee machine para naman malasahan niya ang iniinom ni George.
Ewan ko kung bakit kailangan pa niyang magparinig.
Para matuwa siya, binili ko na.
Bukod sa coffee, nagluto ako ng crispy bacon, sunny side up eggs at toast.
Pag-upo niya, she asked about my work.
Sinabi ko na nakapag-adjust na ako.
Pati si Mabel, hindi na masyadong antagonistic sa akin.
Natakot yata ang loka when I confronted her sa CR.
Akala niya siguro, aatrasan ko siya.
When Mama mentioned na para daw iba ang aura ko, na there was a glow to my face pati sa mga mata ko, hindi ko mapigil ang kabahan.
It was the way she said it that made me nervous.
Para kasing nanenermon.
"Lise, gusto kitang maging masaya pero gusto kong gawin mong legal ang lahat." She said while putting butter on her toast.
BINABASA MO ANG
6ix Days (Lesbian Story)
RomanceSix Days. That's all it took for the past to catch up with Chanel. But unlike her nineteen-year-old gullible self, she knew she had to turn her back on the past if she wanted a better future. Along came Maricar--a newcomer to Canada whose presence i...