Chapter 32: Kindred Spirits

917 54 6
                                    




I was quietly reviewing the invoice from one of our accounts ng maramdaman ko na umatras ang swivel chair ni Liezl.

"What?" Nilingon ko siya.

"May nangungulit sakin." Aburido ang itsura niya.

"Si Shirley?" Wala sa loob na tanong ko.

"Buti nga kung siya kaso iba."

"Bakit ka kinukulit?"

"Dahil hinihingi sakin ang phone number mo."

Binaba ko ang hawak na invoice.

"What?"

"Do you remember Greg?"

How can I forget him eh first time  ko siyang mameet, kulang na lang hubaran ako dahil sa lagkit ng tingin sakin.

"Oo. Yung guy na halos pumutok ang damit dahil sa sobrang fit?"

Tumawa si Liezl sa description ko.

"That's him."

"I hope you didn't give him my number."

"Of course not. Kaya nga walang tigil sa kakatext."

"Tell him I'm not interested."

"You're not?" Surprise siya sa response ko.

"Uh uh. Busy ako. Kita mo naman na kulang na lang iuwi ko sa bahay ang trabaho." Nilingon ko ang nakatambak na folders na inaasikaso ko.

"Kung hindi ka busy, does it mean you'll be interested?"

"Hindi pa rin."

"I see." Ngumiti siya as if meron siyang narealize.

"Bakit ganyan ang ngiti mo?"

"Basta. Mamaya ko na lang sabihin during lunch. Alam mo na," Dumikit siya sa tenga ko at bumulong, "may pakpak ang balita, may tenga ang lupa."

Bumalik na siya sa cubicle niya.

Nahiwagaan ako sa sinabi niya pero I have no time to dissect what she said kaya pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho.

Hindi na din sumagi sa isip ko ang request ni Greg na hingin ang number ko dahil may deadline ako from Mr. Mendoza na i-submit ang summary of accounts at the end of the work day.

Kung hindi pa ako tinapik ni Liezl sa balikat, hindi ko mamamalayan na time na pala para kumain.

I plan to work through lunch pero hindi siya pumayag.

Ilang weeks na daw akong subsob sa trabaho at baka magkasakit ako sa ginagawa ko.

"Payday today at sagot ko." Pangungumbinsi niya.

"It's not that." Katwiran ko.

"I can pay naman kaso I have to finish this today dahil kailangan ni Boss."

"Lise, it will still be here pagdating natin. If you want, I can help you dahil tapos na ako sa ginagawa ko."

"You don't have to. I'm halfway done na din naman."

"Ganun naman pala eh. Sumama ka na. You owe it to yourself to eat."

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya.

Kinuha ko ang purse na nasa drawer at sabay kaming lumakad papunta sa elevator.

Japanese food ang gusto niyang kainin kaya pumunta kami sa isang restaurant dito sa Makati.

Bukod sa mango ebi salad, I ordered California rolls at hot green tea.

Liezl ordered beef teppanyaki, shrimp tempura, miso soup and red iced tea.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon