Chapter 18: The Break Up

1.2K 57 0
                                    




Alas-sais ng umaga ng umalis kami papuntang Banff.

Lulan ng silver van na pag-aari nina Tita Minda, excited sina Jackie at Marco na akala mo ay ngayon lang pupunta doon.

Napagalitan pa nga sila ng nanay nila kasi nangungulit ang dalawa na pumunta sa Jasper dahil gusto nilang lumakad sa Skywalk—walkway na gawa sa glass kung saan pwede kang magsightseeing sa glaciers at mountain.

The first time I went there, nalula ako.

Tawa ng tawa sina Arlene kasi hindi nila akalain na takot pala ako sa heights.

Hindi ko din alam kung gaano kataas itohanggang tumapak ako at makita kung gaano kalalim ang babagsakan ko in case magbreak ang glass.

918 feet lang naman at siguradong tsugi ako kapag nagkataon.

Nakarating na sina Jackie at Marco doon pero gusto na naman nilang bumalik kasi ang sarap daw ng feeling na para kang mahuhulog.

Sila lang ang nasasarapan dahil ayoko ng ulitin.

Napansin ko na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Maricar.

Tumabi siya sakin sa likuran at mula ng sumakay ay parang wala sa mood.

Akala ko, pagod at puyat siya kasi naextend ang duty namin hanggang alas-nuwebe ng gabi.

Hindi kasi sumipot ang dalawang pre-closing shift at kami ang pinakiusapan ni Kiran tutal magkasama naman daw kami sa iisang bahay.

Pagkaalis ng sasakyan, sumandal si Maricar at diniretso ang binti tapos pumikit.

Ako naman, sinuot ko ang earpods para magsound trip at pumikit na din.

Nasa mood akong makinig ng slow songs kaya yung album ni Adele na 25 ang pinakinggan ko.

Nakakaidlip na ako ng maramdamang may nagtatanggal ng kaliwang earpod.

Dumilat ako ulit.

Nakuha na ni Maricar ang earpod ng walang paalam at pinasak sa tenga niya tapos humilig sa balikat ko.

Hindi pa siya nakuntento, kinawit ang braso niya sa braso ko tapos hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa harapan ng sasakyan.

Tulog din si Jackie at si Marco.

Si Tita Minda naman, nakatutok sa phone niya habang seryoso sa pagmamaneho ang asawa nito.

Sweetest Devotion ang kanta.

I was all sort of confused.

Nagising ako ng marinig ang tawanan nina Jackie.

Ako na lang pala ang tulog.

Naramdaman ko na mamasa-masa ang gilid ng labi ko kaya pinunasan ko ng sleeves ng hoodie.

Nakikinig pa din si Maricar ng music at hindi ko na alam kung ilang beses ng umulit ang album.

"Malapit na daw tayo." Walang man lang excitement sa boses niya.

Ano kayang nangyari sa kanya?

Kagabi lang eh tawa siya ng tawa habang nagkikwento ng mga kapalpakan niya nung college pa siya tapos ngayon, akala mo Biyernes santo dahil seryoso.

Hindi pa naman ako sanay na ganun ang itsura niya kasi lagi siyang nakangiti at masaya.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko na natiis.

"Ayos lang." Matipid na sagot niya.

Pagdating namin ng Banff, maliwanag na.

Nakita namin ang mga makikipot na kalsada na may pangalan ng mga hayop.

6ix Days (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon