"Part#12"

171 8 1
                                    

"Book2"

                   "Ang pagmamahal sa Aswang"

------------------

"Jm "jm "jm nasaan ka.......

Pagtawag ni Madam zaszas sa akin agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay Yhella na biglang nawala sa harap ko ng makita ko si Madam zsazsa nakita kong nag aalala siya sa akin habang tinatawag niya ang pangalan ko.

"Madam......

Tawag ko sakanya kaya agad siya napa lingon sa akin.

"Jm ayos kalang bakit wala ang anak ko at bakit nagkalat ang balahibo niya sa kwarto niya...

Kinakabahan niyang sabi habang nagmamadali ng lumapit sa akin.

"Madam kumalma lang po kayo ayos lang po ako at ang anak ninyo..

Sabi ko.

Nasaan siya Jm...

Nag alala niyang tanong sa akin ngumiti lang ako kay Madam kaya napansin kong kumunot ang noo niya.

Magsasalita  sana siya ng maramdaman niya na my yumakap na sakanya nasa likod niya ito.

Nakita kung bumaba ang tingin ni Madam sa brasong naka pulot sa bewang niya.

"Mama.....

Umiiyak ng sabi ni Yhella napa ngiti naman ako sa nakikita kong tagpo nila ngayun..

"Yhella ikaw bayan..

Naiiyak ng sabi ni madam agad na siya lumingon sa anak at tila natulala na ng makita niya si Yhella..

"Ikaw nga anak... Pano nangyare at tao kana ulit..

Gulat na sabi ni Madam habang hawak na niya ang dalawang pisnge ni Yhella hindi siya maka paniwala sa nakikita niya na tao na ang  itsura ng anak niya..

"Madam------------?

Sasabihin ko sana kay Madam kung bakit naging tao ang itsura ni Yhella .

"Wag mo sabihin kay "Mama sabihin mo tao na talaga ako...

Rinig ko bulong niya sa tenga ko kahit na hindi kami magka lapit at yakap na siya ni Madam.

"Kahit ano pa ang dahilan "Jm salamat at dininig ng diyos ang aking panalangin ko na bumalik na ang anak ko sa pagiging tao.

Umiiyak ng sabi ni Madam. Ngumiti nalang ako kasi umaasa pala talaga si Madam na magiging tao na talaga ang anak niya.

"Ah Madam tera na po kumain muna tayo nagugutom na po ako.

Sabi ko napansin niya ang mga dala ko.

Saan kayo galing.

Sa mall po Madam

Nag mall kayo..

Opo "Mama niyakag ko po siya kasi gusto ko po pumunta doon lagi ko po un naririnig sa mga katulong pag mag day off sila..

Singit ni Yhella baka kasi mabisto kami..

Ah ganon ba idi naubos ang pera ni Jm..

Ngumiti lang naman ako kay Madam.

Hayaan mo Jm papalitan ko ung pera na naubos ng anak ko. Mukhang maraming binili.

Opo "Madam kulang nalang lahat ng makita sa mall ay bilhin niya.

Sabi ko.

Pero hindi talaga ako maka paniwala "Jm na tao na ang anak ko. Tama nga ang "Nanay mo Jm pag masaya siya nagiging "Tao siya siguro dahil sayo "Jm kaya wag mo iiwan ang anak ko..

"My 🐲Vampire Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon