"Pag2"

671 15 0
                                    

"Book2

"Ang pagmamahal sa Aswang"

-------------

Pagpapatuloy....

Hindi man nila matanggap kung ano ang pagka tao ng Apo ay binaliwala at tinanggap nalang nila ito dahil sa anak nila na mahal na mahal ang bata kahit nahihirapan sa pag aalaga sa anak kinakaya niya ito.

Sunod sunod din ang magagandang nangyayari sakanila lalo silang yumaman nabawi nila ang lahat ng nawala sakanila.

Anim na taon na ito ngayun at naghanap  na sila ng mapagtitiwalaan sa lihim nila. Marami na silang sinubukang pagtiwalaan sa bata pero hindi ito tumatagal kahit hindi pa nila pinakikita ang bata ay natatakot na ito pero my isang babae ang tumagal sakanila dahil sa pangingilangan nito para sa mga anak niya ay gagawin niya para sa mga ito..

---------

Sige na lumabas kana jan matagal na kitang nararamdaman

Sabi ng babae habang naghahanda siya ng pagkain ng pamilya.

Hendi po kayo takut takin.

Naka ngiting tanong ng batang nasa tabi na niya..

Bakit naman ako matatakot sayo ehh kay cute mo kaya.

Masayang sagot ng babae hindi na siya na gulat dahil matagal na niya itong nararamdaman na sinusundan siya nito. Pinakakaramdaman siya ng bata kung matatakot din ba siya. Pero masaya ang bata dahil hindi ito takot.

Tayaga po.

Masayang sabi ng bata natutuwa siya dahil sa wakas ay my naka usap na siya at hindi sakanya takot kahit na iba ang itsura niya. Mahahaba ang kuku mapula ang mata at mabalihibo ang mukha at ang katawan naman niya ay my kunting balahibo din. Isa kasi siyang "Aswang pero napalaki siya ng mabuti.

Lumuhod ang babae sa harap ng bata at hinawakan niya ang pisnge nito. Nagka ngitian silang dalawa nawala ang pagka pula ng mata ng bata at bumalik ito sa pagiging mata ng tao.

Ako po si "Yhella

Pakilala ni Yhella sa sarili niya..

Ang cute ng pangalan mo sing cute mo..

Naka ngiting sabi ng babae..

Ako nga pala si Rose.

Pakilala rin ni Rose sa bata.

Ang ganda po rin ng pangalan ninyo.

Masayang wika ng bata.

"Ang cute mo talaga pagnaka ngiti kahit------

Naputol niya ang sinabi dahil napansin niyang lumungkot ang mukha ni yhella.

"!Sorry Baby..

Paghingi niya na tawad sa bata..

Ok lang po ako alam ko naman po kun----------?

Naputol yung sinasabi niya ng yakapin siya ni rose.

Kahit ganyan ka alam kung mabait ka. Isa kang tao baby wagkang mag isip ng kahit ano. Basta mag injoy ka "Anak..

Sangit ng isang babae sa likod ni rose napa tayo bigla si rose dahil kilala niya kung sino ito..

Sorry po madam kung hindi kuna po nahintay na ipakilala siya saakin lagi ko po kasi siyang nararamdaman ehh kaya hindi napo ako nakapag pigil pinalabas kuna siya..

Naka tungong paliwanag ni rose sa ina ni yhella..

Ok lang rose. Nagpapasalamat nga ako sayo dahil hindi ka natakot sa anak ko pinalakas mopa ang loob niya.  Kaya maraming salamat sa tiwala mo sa anak ko..

Naka ngiting sabi ng ina ni yhella niyakap pa siya nito ng mahigpit naka ngiti si yhella sa dalawa..

"Ang saya saya mommy kasi dalawa na po mommy ko...

Masayang sigaw ni yhella tapos ay bigla ng yumakap sa dalawa..

Ohh paano anak. Tatapusin ko lang tong niluluto ko ha para maka kain na kayo ng mommy mo..

Sabi ni rose ginulo pa niya ang kulot na buhok nito..

Ok po..

Masayang wika ni yhella..

Sige rose maiwan muna kita jan ha..

Paalam na ng ina ni yhella.

Sige po madam zsazsa tawagin ko nalang po kayo pag kakain na..

Naka ngiting wika ni rose tumango nalang ito at kinarga na si yhella muli ng binalik niya ang anak sa kuwarto nito naiwan naman si rose sa kusina. Kahit my takot siyang naramdaman nong una niyang pasok sa mansion dahil nararamdaman niya yhella ay nawala ang kaba niya ng makausap na niya ito tila kumalma ang takot niya ng makita at mayakap niya si yhella naalala niya ang tatlo niyang anak.

Iniwan niya muna ito para sa trabaho my nag aalaga naman ang kanyang ina namatay kasi ang asawa niya kaya siya nalang ang nagtataguyod sa pamilya niya.

Buwanan siya umuwi kaya miss na miss niya ang mga anak niya lalo na ung lalaki niyang anak. Masmatanda ito kay Yhella ng tatlong taon kaya naasaan na niya ito sa gawain at sa pag aalaga sa dalawa nitong kapatid na babae.
Kahit mahirap sila masaya ang pamilya niya.

Sa kabilang dako naman tayo sa mag ina.


Anak ayokong my gagawing masama ka kay rose ha. Siya ang tagapag bantay mo sa mamasang tao alam mo naman na galit sila sa tulad mo kaya alagaan mo rin ang pagmamahal sayo ng pangalawang ina mo magtiwala ka sakanya gagawin niya ang lahat para sayo kaya sana maging mabait ka sakanya ha mahalin mo siya anak..

Payo ni zsazsa sa anak niya naka kandong ito sakanya..

Opo mommy mataya nga po ako kati hindu tiya natakot taakin ehh kaya po mahal kuna po tiya..

Naka ngiting sagot ni yhella habang nilalaro ang buhok ng kanyang ina..

Masaya ako para sayo anak. Kaya ito ang tandaan mo mahal na mahal ka ni mommy. I love u my princess...

Naka ngiting saad ni zsazsa hinalkan niya ito sa noo at niyakap ng mahigpit.

-----------

Si rose na ang nag alaga kay yhella dahil nag unpisa na sa trabaho si zsazsa sa isang malaking kompanya siya ang CEo ng company ng ama niya tinanggap niya  iyon para sa anak niya..

Yhella naman ay masayang masayang makasama si rose lahat ng gusto niya ay binibigay nito sakanya lagi nalang sila naglalaro at tinuturuan din ni rose ng kung ano ano si yhella. Tapos ay kinukuwento niya kay yhella ang tungkol sa mga anak niya gusto ngang makilala ni yhella ang mga ito pero sabi ng ina niya ay baka matakot sakanya at layuan siya.

Nalungkot siya ng kunti pero gumawa ng paraan si rose. Pag nauwi siya ay dinadala niya ung sulat na gawa ni yhell sa anak niyang lalaki dahil siya ang nagustuhan ni yhella natutuwa naman si rose dahil tinatanggap naman ng anak niyang lalaki. Nagsusulat din ito para kay yhella masaya silang dalawa kahit sa sulat lang sila nagkakilala.

Masaya ang pag uusap nila sa sulat ilang taon din sila nag sulatang dalawa pero ng nag dalaga at binata na nalimutan na ng anak ni rose ang sumulat dahil busy  na ito. Labis namang nalungkot si Yhella tinago niya ang mga sulat ng anak ni rose kahit inis siya ng konti binalewala nalang niya. Si rose nalang ang sinandalan niya sa tuwing nalulungkot siya.

Minsan nga gusto na niyang tumakas sa mansion kahit paglabas kasi sa mansion hindi niya magawa lagi lang siya nasa ilalim ng mansion doon siya naninirahan kaya walang kaalam alam ang mga kasambahay na my ibang nilalang sa mansion na iyon tanging si rose at ang mangulang lang niya ang nakakaalam. Ang alam lang ng mga ito ay my anak si zsazsa na nasa ibang bansa.

Dahil umaasa parin si zsazsa na mawawala ang sumpa sa anak niya hindi siya nawawalan ng pag asa kumakapit siya ng mabuti sa panginoon na magiging normal ang anak niya.



























Itutuloy......

Sory po kung my mali sana po magustuhan ninyo pa vote at comment nalang po.. love u mga bess..?


"My 🐲Vampire Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon