Prologue

218 7 5
                                    

"Eh matuto ka kasing mag ayos!" pangaral nanaman sakin ng bestfriend kong si Arwen.

"Eh paano ba? Ganito na talaga ako dati pa." sagot ko naman.

Pinapagalitan niya ako dahil napahiya nanaman daw ako kanina.
Sinubukan ko kasing imbitahin si Tyrell para sa batch night namin pero bago pa ako makalapit ay umalis na ang grupo nila ng nagtatawanan habang nakatingin sakin.

"Alam mo, Magcutting nalang tayo! Tara sa library!" yaya ni Arwen.
Hinigit niya na agad ako kahit hindi pa ako nakakasagot.

Si Arwen ang nag iisa kong kaibigan. Minsan bad influence siya pero maaasahan ko parin siya.

Pagkadating namin sa library ay agad siyang tumabi sa isang lalaki, ang boyfriend niya na si Anthony na isa rin sa mga kaibigan ni Tyrell.

Namataan ko si Tyrell sa kabilang lamesa kaya nilapitan ko siya para yayain ulit.

"Tyrell.." tawag ko pero bago ko pa madugtungan ay bumukas na ng malakas ang pintuan ng library.

"Dude, bakit kasama mo siya?" natatawang banggit ng isang kaibigan niya. Tumingin naman sa akin si Tyrell.

"Siya ang lumapit. Tara na." sagot niya at umalis.

Lunch time na at nung lumabas ako ng classroom ay bumungad sakin si Arwen kasama ang boyfriend niya at ang mga kaibigan nito pati na rin si Tyrell.

"Andrea! Tara!" tawag niya.

"Ha?" Tumingin ako sa likod niya at nakita si Tyrell na nakatingin sakin.

Alam kong ayaw niya na sumama ako dahil ikinakahiya niya ako sa mga kabigan niya.

"Ah. Wag nalang. Sa library nalang muna ako. Di rin naman ako gutom eh." sagot ko.

Sinulyapan kong muli si Tyrell at naabutan ko siyang nakatitig sakin.

Nag iwas ako ng tingin at umalis nalang.

Nagbabasa ako ngayon dito sa library. Malapit na magtime kaya niligpit ko na ang mga ginamit kong libro.

Pagkalabas ko ng library ay nakita ko si Tyrell na nakasandal sa pader na parang may hinihintay. Lumapit ako sakanya para tanungin siya ulit.

"Tyrell, pwedeng ikaw nalang partner ko sa batch night?" tanong ko.

May narinig kaming ingay na papalapit kaya umayos siya ng tayo.

" Una na ko." sagot niya at umalis na sa harapan ko.

"Goodbye and Thank you, Mrs. Mendoza!" Umupo ulit ako pagbati namin sa teacher sa huling subject.

Inayos ko na ang mga gamit ko at bumaba na para umuwi. Dumaan muna ako sa library para ibalik ang hiniram kong libro kahapon.

Pumasok ako at agad kong namataan si Tyrell na may kasamang babae. Naghahalikan sila at nung napansin ni Tyrell na nakatayo ako sa harapan nila ay agad siyang humiwalay.

Tumayo siya at lumapit sakin. Umamba akong iiwas pero mabilis niya akong hinigit.

"I have to go." paalam niya sa babaeng kasama niya kanina. Nakita ko pa ang pag irap ng babae sakin bago ako tuluyang nahigit ni Tyrell.

Dinala niya ako sa classroom na walang tao. " Tungkol dun sa tanong mo kanina.." Napa angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Pumapa-" Naputol ang sasabihin niya dahil may tumawag sakanya.

"Tyrell! Bakit kasama mo nanaman siya?" tanong nila.

"Ah. May pinag usapan lang kami." sagot niya at bumaling ulit sakin.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon