Nagising ako ng maaga kinabukasan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang mga sinabi ni Tyrell kagabi.
Bumangon na ako at nag-ayos ng kama. Kinuha ko na rin sa bag ko ang susuotin ko.
Papasok na sana ako sa banyo nang napadaan ako sa salamin na nakadikit sa dingding. Napatigil ako at napatitig sa labi kong pulang-pula.
Chineck ko ang leeg ko at nakitang may iilang pulang marka doon! Tsk. Biglang may kumatok sa pinto.
Agad kong nilugay ang buhok ko para kahit papano ay matakpan ang mga marka sa leeg ko. Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin si Tyrell na nakapamulsa. Basa pa ang buhok niya at nalanghap ko agad ang bango niya.
Pinasadahan niya ako ng tingin at tumigil iyon sa leeg ko. Ngumisi siya. "No need to hide. Ako lang to." sabi niya at hinawi ang buhok ko para makita niya ang mga markang ginawa niya. Hinaplos niya iyon.
Tinitigan niya ako ng matagal. "Sorry." Umiling ako. "No. Okay lang sakin. Ako naman yung nagsimula. Tsaka ginusto ko rin naman yun eh." sagot ko.
Ngumisi siya at pinakita ang dala niya. Isang turtleneck na long sleeve na itim.
Pinapasok ko siya at pinaupo sa kama. Dinala ko na lahat ng gamit ko papuntang banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako. Itinuck-in ko sa brown na skirt ang damit at sinuot ang bigay niyang necklace.
Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang tulog. Nakatapak ang paa niya sa sahig at kalahati lang ng katawan niya ang nakahiga.
Lumapit ako sakanya at tinitigan ang maamo niyang mukha. Alam kong kulang din siya sa tulog dahil anong oras na kaming natulog kagabi at uminom pa kami.
Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya. Hindi ko pa sana siya gigisingin para makatulog pa siya pero naramdaman niya yata ang haplos ko sa buhok niya.
Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan iyon habang pikit parin ang mata. "Kanina ka pa tapos?" paos na sabi niya.
"Hmm. Nope. Kakatapos ko lang." sagot ko.
Bumangon siya at hinalikan ang noo ko."Kumain na tayo..Aalis na tayo ng twelve." sabi niya at pinasadahan ulit ako ng tingin.
"You look so good." Ngumiti siya at hinawakan ang baywang ko at inilapit ako sakanya.
"I should buy you more clothes,then. Maganda ka parin naman kahit balot. Tsaka..ayokong may pinapakita kang pagmamay-ari ko."
Umiling nalang ako at tumawa.
So possessive.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
JugendliteraturSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...