"Dun!" Tinuro ni Arwen ang Vikings. "Tara!" sagot naming lahat. Hindi pa nagsisimula ang mga games kaya binigyan kami ng oras para makapagrides.
"Wooh!" sigaw kami ng sigaw at tawa ng tawa. Nasa kabilang dulo sila Zayne at ang iba pa naming kaibigan.
Bago sumakay ng iba pang rides ay kumain pa kami ng kung anu-ano.
"Tara! Sa ferris wheel tayo!" Hinigit ni Arwen ang boyfriend niya kaya sumunod nalang din kami. Sa aming lahat siya parin ang may pinakamataas na energy.
Sumakay sa loob si Arwen at ang boyfriend niya. "Pangdalawang tao lang ito ha.." Sambit ng nag aayos ng ferris wheel.
Napatingin sakin si Zayne na nakasakay na. Napalingon naman ako sa nasa likod kong si Tyrell.
"Oh! Hayaan mo na,dude! Ngayon lang naman!" natatawang sabi ng tatlo pang kaibigan ni Tyrell.
"Ok lang ba? Pwede namang hindi na tayo sumakay." sabi ko kay Tyrell."No,baby. Ok lang. Sayang naman yung pinila natin."
Habang umaandar ang ferris wheel ay nag-usap lang kami ni Zayne.
Pagbaba ay humiwalay na muna kami ni Tyrell.
Napadpad kami sa library. "Ang sikip at ingay eh." sagot niya.Tumango ako at naglakad lakad para maghanap ng magandang libro nang hawakan niya bigla ang braso ko.
Niyakap niya ako at bumulong. "Baby,I'm jealous." bigla niyang sinabi.
"H-ha? Kanino?""Hindi ako mapakali kanina kakaisip kung anong ginagawa niyo, kung anong pinag-uusapan niyo." sagot niya.
Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako. "Ayan ka nanaman eh,wala namang kukuha sakin." ngumiti ako. "Still. Paano ako makakasiguro?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para maging kampante siya kaya hinalikan ko nalang.
Dapat sa pisngi lang pero sa labi tumama. Shiiiiiit! Kaya paghiwalay ko ay pulang pula ako at siya naman ay ngiting ngiti. "That's our first kiss." ngumisi siya. Nagtakip naman ako ng mukha dahil sa hiya.
"Oh? San kayo galing?" tanong ni Sophia nung magkakasama na ulit kami. "Oo nga. Anong nangyari? Bakit ang pula mo?" tanong ni Arwen.
"Aba! Saya natin ah?" Narinig kong kantyaw ng mga kaibigan ni Tyrell sakanya sa likod namin.
"Ah. Wala! Nood nalang tayo ng game nila." sabi ko at nauna na sa paglalakad.
"Wala bang goodluck kiss?" nakangising sabi sakin ni Tyrell. Siya nalang ang iniintay pero di pa siya pumupunta dahil kinakausap niya pa ako.
"Pumunta ka na dun! Ikaw nalang ang kulang oh!" Halos itulak ko na siya para lang lumapit na siya dun.
Bigla niya naman akong hinalikan sa labi kaya umingay ang buong gym.May mga bumulong ng "Aw! Taken na talaga si Tyrell! Hanap nalang tayo ng iba." pero umalingawngaw ang kantyaw ng mga kaibigan ni Tyrell na players din.
"Yun naman pala eh!"
"Kaya pala masaya eh!"
"Sana ako ren!"Napahilamos nalang ako ng mukha.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...