"Bakit naman ang layo ng narating natin? Akala ko naman kung saan-saan lang na malapit sa school!"
Nandito na kami sa BGC kaya medyo napagod ako. Ayaw niya daw mag-grab dahil gusto niyang maexperience na sumakay sa kung anu-ano kasama ako. Gusto niya daw maglakad,magjeep,mageroplano kasama ako.
Napailing nalang ako. "Sorry,baby. Nagutom ka ba?" medyo natatawa niyang sinabi. "Syempre! Pagod pa!"
Tumawa siya at hinawakan ang baywang ko. "Kain muna tayo."
Binilha niya ako ng iba't ibang pagkain. "Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko habang ngumunguya. Ang dami niya kasing binili tapos hindi siya kumakain at nakatitig lang sakin. "Hindi naman ako gutom. Mas gusto kong tinititigan lang kita." Eto nanaman ang pisngi kong ayaw tumigil sa pag-apoy.
"Tara!" Wala talaga siyang kapaguran. Hinila niya ako sa loob ng Adidas.
Pinakita niya sakin ang latest ng Adidas. "Bagay to sayo." Nakangiti niyang sinabi. Pinasukat niya sakin ito at tuwang tuwa siya dahil bagay daw ito sakin.
Maya maya ay pumila na siya sa counter dala ang dalawang kahon. "Huy! Bibilhin mo yan?" tanong ko. "Oo. Bakit? Isa sayo. Isa sakin. Para parehas tayo." nakangisi niyang sinabi. "Nasstress ako sainyong mga mayayaman." Tumawa ako.
"Sure ka?" tanong ko sakanya. Ihahatid niya daw kasi ako sa bahay. "Yup."
Sinalubong kami ni mommy. "Ma-" Naputol ang pagsasalita ko dahil napansin kong nakatitig na siya kay Tyrell. "Pumayag ba?" nakangiting tanong ni mommy kay Tyrell. "Opo." Nalaglag ang panga ko habang sabay silang tumatawa.
Pag-alis ni Tyrell ay kinausap ako ni mommy. "Nakausap ko na siya anak,bago ka pa niya kausapin. Nakikita ko na mahal na mahal ka niya. Kaya susuportahan ko kayang dalawa." nakangiti niyang sinabi. "Thank you,ma."
Pagdating ko sa school ay inaabangan na nila ako. Nahagip ako ng mata ni Tyrell at napangiti siya nang sinunod ko ang gusto niya.
Sabi niya ay pareho daw kaming maggray na damit at suotin ang sapatos na binili niya kahapon.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hinigit niya ako papunta sa mga kaibigan namin.
"Aba! Kayo na ba?" tanong nila samin. Umiling agad ako. "Hindi pa." sagot ni Tyrell na nakangisi.
"Baby!" sigaw nanaman ni Tyrell. Ok. Dapat masanay na ko na lagi siyang lumilipat dito sa classroom tuwing recess,lunch,at dismissal para sunduin ako.
"Gutom ka ba?" tanong niya sakin. "Hindi naman." sagot ko. "Good."
Hinila niya ako papunta sa library. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko. "Uh..cutting?" Tumawa siya.
Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Maya maya ay napansin kong nakatulog na siya. Siguro ay pagod at puyat ito kahapon.Tumunog na ang bell hudyat na patapos na ang recess pero ayokong istorbohin siya sa pagtulog niya. Tinitigan ko siya hanggang nakatulog na din ako.
Nagising ako na ako na ang nakasandal sa balikat niya. Nang naramdaman niya na gising na ako ay hinawakan niya ang baba ko para tumingala ako sakanya.
"Ikaw ah? Natututo ka ng magcutting?" Tumawa siya.
Napangiti ako. "Pasalamat ka nga hindi kita iniwan eh. Kung iniwan kita,gigising ka mag-isa ka nalang. Hindi ako umattend sa dalawang subjects ko para samahan kang matulog." sabi ko."Pero ikaw ang nakatulog?" Tumawa siya kaya ngumuso ako.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...