Habang kumakain ng lunch ay may kanya kanya kaming buhay.
Naguusap ang mga kaibigan nila Tyrell,nag uusap si Arwen at ang boyfriend niya,nag uusap si Zayne at Sophia.Kami lang ni Tyrell ang tahimik at medyo inaantok parin.
"Bakit mukhang pagod kayo?" Tanong ni Zayne samin."Napagod kahapon eh,gumala kami at mga eleven na nakauwi." sagot ko.
"Eh bakit wala kayo nung subjects after recess." Bumaling silang lahat samin at nag intay ng sagot."Uh. Nagcutting?" sagot ko. Tumawa sila.
Sabi nila ay gumala daw ulit kami pero kasama na sila. Nagplano sila na sa weekend ay magswimming daw kami.
Gulat na gulat ako habang tinitingnan ang buong beach. "Seryoso ba kayo? Sinong nagbayad nito?" Laglag ang pangang tanong ko.
Ang akala kong gala ay sa mga mall lang pero nung sinabi nilang swimming ay nagulat ako at bumyahe pa kami ng tatlong oras.
Nasa isang hotel kami na meron ding suites. Mayroong swimming pool pero mas gusto daw nilang sa dagat lumangoy.
Naramdaman ko ang kamay ni Tyrell sa baywang ko. "Magsiswimming ka ba?" tanong niya sakin. Tumango ako. Tumikhim siya. "Ok. Pero wag masyadong kita ang balat please?"
Ang lamig ng tubig! Enjoy na enjoy ako ditong maligo habang nakaupo naman si Tyrell sa buhangin at mukhang badtrip.Gusto niya kasing magrashguard ako pero ang dala ko ay one piece na itim. Tumawa ako at umahon nalang.
Sinalubong niya ako at agad binalot ng twalya niya. "Magbibihis ka na ba? Or lalangoy ka pa ulit mamaya? Are you hungry? Bakit ka umahon?" Natawa nalang ako sakanya. Halatang ayaw niya sa damit ko pero hindi niya ako pinipilit magbihis.
"Nope. Magbibihis na ako." Nagbihis ako sa suite namin nila Arwen at Sophia.
Lahat ay nagsiswimming pa habang nakaupo nalang kami ni Tyrell sa isang kubo. Nakaharap ako sa dagat habang nasa likod ko siya. Narinig ko ang pagflash ng camera niya kaya agad akong napalingon. "What? Nilagay ko lang sa ig story ko." Tumawa siya. Pinakita niya sakin ang story niya na ako ang picture at nakalagay ang location ng resort.
Alam kong wala namang masama dahil wala namang nakalagay na caption pero kasi ako yung kasama niya. "Hindi ka ba nahihiya? I mean..baka magkaissue sa school. Kasi diba..akala ng mga tao na para sa lahat ng babae ka..tapos..kayo ni Sophia?" tanong ko.
"Natatakot ka sa sasabihin nila? Don't worry. Klaklaruhin ko na sa lahat kung anong meron tayo." sagot niya at hinalikan ang ulo ko.
"Gumanda lang akala niya seryoso na sakanya si Tyrell?"
"Inagaw niya pa nga si Tyrell kay Sophia!"
"No! Inagawa niya si Tyrell satin!"
"True! Never nagseryoso at hindi magseseryoso si Tyrell! Kaya dapat lang na maghiwalay na sila." Narinig kong bulung-bulungan ng mga tao habang naglalakad ako sa school.
Dati pa nila akong pinaguusapan dahil lagi kaming magkahawak ng kamay ni Tyrell pero mas lumala ito ngayon dahil sa pinost ni Tyrell.
Nagpost siya sa ig ng picture naming dalawa na nakaharap sa dagat at may makahulugang caption.
Hinila niya ako palapit sakanya. Sinalubong niya ako sa corridor papunta sa classroom ko.
Inagaw niya ang atensyon ng mga taong nanonood sa amin.
"Listen, I like Andrea. I love her. Kaya pwede bang tigilan niyo na ang paninira sa kanya? Kasi siya at siya lang ang may karapatan sa akin. I belong to her,simula pa lang."
Nakita kong yumuko ang mga tanong narinig kong nagbulungan kanina. "Tama na,Tyrell." awat ko.
"No,baby. I won't let them hurt you."
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...