Chapter 25

34 3 0
                                    

"OMG! Nakasurvive tayo sa test!" natutuwang tumili si Arwen habang naglalakad kami pababa ng stairs.

Tumawa kaming lahat at sumang-ayon.
"Excited na ko bukas!" sabi naman ni Sophia.

"Huh? Anong meron?" tanong ko. Tumingin naman silang lahat sakin na parang hindi makapaniwala.

"Uhm? Hello? Lahat excited dun tapos ikaw hindi mo alam?" sarkastikong tanong ni Arwen.

Kumunot naman ang noo ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Tyrell sa gilid ko. Lumapit siya sakin at bumulong sa tainga ko.

"Christmas party,baby." Tumango naman ako at nalinawan.

"Arwen,Sophia,may gagawin ba kayo?" baling ko sa dalawa.

"Hmm. Wala naman." sagot ni Sophia. "Gala tayo?" yaya naman ni Arwen. "Yun! Tara!"

Agad akong tumiad para halikan sa pisngi si Tyrell at nagpaalam.
"Alis lang kami ha? Text kita pag nakauwi na ko!" sabi ko at sumunod na sa dalawang nauna na.

"Are you sure? Ayaw mong ihatid kita? O sundo?" sigaw niya dahil nakalayo na ako. Lumingon ako at umiling sabay kaway ng cellphone ko.

"Tawagan mo ako ha? Ingat! I love you!" malakas niyang sigaw.

Napapikit naman ako dahil maraming lumingon dahil sa sigaw niya. Nakakahiya pero sumagot nalang ako pabalik.

"I love you too!" sigaw ko pabalik at nakita ko pa ang ngiti niya bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit bigla mo nalang naisipan magmall? Hindi ka mahilig lumabas ah?" tanong sakin ni Arwen habang nakasakay kami sa jeep.

Magkatabi silang dalawa ni Sophia habang kaharap naman nila ako dahil naubusan ng space.

"Wala pa kasi akong regalo para kay Ty-" Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa naramdaman ko sa baywang ko.

Pasimple akong nagbaba ng tingin at nakitang pilit inaabot at hinahawakan ng katabi kong lalaki ang baywang ko pababa sa hita.

Shit. Mahina kong mura sa isip. Nag-angat ako ng tingin kila Sophia at batid kong alam nila ang nangyayari.

Nag-aalala ang mga mata nila at hindi rin alam kung anong gagawin. Pasimple kong hinawi ang kamay niya pero bumabalik din iyon.

Hanggang sa naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko at nakita ang message ni Tyrell dun.

Tyrell:
"Fuck that man. Bumaba na kayo dyan please."

Nagulat ako dun.
Paano niya nalaman?

Titingin pa sana ako sa paligid nang pumara ang katabing lalaki ng lalaking humawak sakin.

Hinawakan niya ako sa kamay at pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako nang makitang si Zayne yun.

Agad akong sumenyas sa dalawa at tahimik naman silang sumunod sakin. "Okay ka lang?" pambungad na tanong sakin ni Zayne pagbaba namin.

Hindi ako nakapagsalita agad kaya nag-unahan ang dalawa sa pagsasalita.

"Syempre hindi,Kuya! Nakita mo ba ang ginawa ng lalaking yun?" sabi ni Sophia.

"Oo nga! Dapat dun sinasampal!" inis na sabi ni Arwen.

Wala akong nasabi at nag-angat nalang ng tingin kay Zayne.
"Bakit ka nandun?" tanong ko sakanya.

"Hindi kasi mapakali si Tyrell na iwanan kayong tatlo mag-isa. Kaya pinasundan niya kayo sakin." paliwanag niya.

"Patingin ng phone?"
Agad binigay ni Zayne ang phone niya nang manghiram si Sophia.

"Grabe! Galit na galit siya!"
Pinag-unahan nila ni Arwen ang phone ni Zayne.

Bumaling naman ako kay Zayne na nakatitig sakin.
"Sorry,Andrea. Hindi kita naprotektahan." malungkot at mahina niyang sinabi.

Umiling agad ako.
"H-hindi mo naman kasalanan. Tsaka nakababa na naman tayo,h-hayaan nalang natin."

Narinig ko ang mahina niyang mga mura bago nag-angat ng tingin sa kotseng papalapit.

Bumaba doon si Tyrell na madilim amg mukha at kita ang galit sa mga mata.

Agad niyang sinuri ang buong katawan ko at hinawakan ang mukha ko.
"Shit. Sorry,baby. Dapat hindi ko kayo hinayaan mag-isa eh. Fuck."

Sumakay ang tatlo sa likod at pinagbuksan naman ako ni Tyrell sa front seat.

Pagkadating sa mall ay nauna ng bumaba ang tatlo. Naiwan kami ni Tyrell sa loob ng kotse sa parking.

Narinig ko ang malalalim niyang paghinga,galit parin hanggang ngayon.

Hinawakan ko ang isang kamay niyang nakahawak sa manibela. Hinaplos ko ang braso niya at naramdaman ang ugat niya doon.

Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at tumingin sakin.

"Sorry,baby. Sorry. Hindi kita naprotektahan. Sorry dahil hindi ko kayo sinamahan. Sorry dahil kailangan mangyari yun sayo. Sorry-"

Pinutol ko siya. "Shh. Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Nag-offer kang ihatid kami pero ako yung makulit. Sorry..G-gusto ko lang kasing bumili ng regalo mo."

Lumambot ang mukha niya.
"Still,baby."

Hinaplos niya ang baywang ko. "Hinding-hindi ko na hahayaan na may makalapit at makahawak pa sayo."

Ngumiti ako. "Kalimutan na natin yun. Mag-enjoy nalang tayo. Okay?"

Ngumiti siya pabalik at hinalikan ang noo ko bago kami bumaba ng sasakyan.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon