Kinabukasan ay sinalubong ako ni Zayne ng ngiti. Pero alam kong hindi na yun kagaya ng dati. May iba sa ngiti niya na di ko maipaliwanag. Masaya pero nangingibabaw ang lungkot.
"Zayne,pwede bang magkita tayo sa library mamayang uwian?" tanong ko. Pumayag siya at ngumiti.
Pagdating ng lunch time ay nagulat ako nang lumapit sakin si Sophia na namumula ang mga mata. "Wala na kami. Pinapaubaya ko na siya sayo. Alagaan mo siya ah?" Ngumiti siya at naglakad na palayo.
Mabilis na natapos ang tatlo pang subject.
Pagpasok ko ng library ay natagpuan ko agad si Zayne na nakaupo sa isa sa mga tables at nag-iintay na.
Tumayo siya nung nakita ako. Lumapit ako sakanya at nilahad niya yung upuan sa harap niya bago umupo ulit.
"Zayne,gusto kong malaman mo na narinig ko yung pinag-usapan niyo kahapon ni Tyrell." panimula ko. Isang mahinang ngiti lang ang isinukli niya sakin.
Nilabas ko ang necklace na bigay niya. "Ibigay mo to sa babaeng mamahalin mo ng todo. Alam kong hindi ako yun..Pero dadating din siya. Sana maging masaya ka." Tinitigan ko ang necklace sa huling pagkakataon at ibinigay na sakanya.
Tumayo siya at lumapit sakin kaya napatayo na rin ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. "No. Ikaw ang maging masaya. Alam kong ito ang sasabihin mo kaya hinanda ko na ang sarili ko." Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko.
"Sa konting panahon nating magkasama,nahulog na ako. Paano pa kaya yung mga matagal mo ng nakasama? Malamang matagal na rin silang nahulog."
Mas nauna kasi si Tyrell dito kaya niya sinasabing mas matagal ko na itong kilala. Sabay kaming pumasok sa taong 2012 at pumasok naman si Zayne dito sa taong 2017.
"Alam ko dahil.." Lumapit siya sakin habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
Hinalikan niya ako sa noo. "From the very beginning,you belong to him." Lumayo siya sakin at pinunasan ang mga luha ko.
"May isang hiling lang sana ako." sabi niya. "Ano yun? Kahit ano." sagot ko.
"Pwede bang manatili tayong magkaibigan?" tanong niya. "Oo naman. Hinding-hindi ko yun ipapagkait sayo. Naging mabuti kang kaibigan sakin. Ang swerte ko nga sayo eh." Ngumiti ako kaya napangiti na rin siya.
Sophia's POV
Alam kong hindi niya ako mahal. Pero sumugal ako dahil mahal ko siya. At ngayon din ang araw na matatapos na ang lahat.
Ang panandaliang saya ko,at ang relasyon na hindi naman totoo.
"Sophia,I'm sorry. Alam kong nasaktan kita at masasaktan ka sa gagawin ko pero believe me,I care for you." Ilang beses siya nagsorry sakin na tinanggap ko naman. Ako rin naman ang may gusto nito eh.
Pero mas kampante na ako dahil alam kong sa isang matinong babae siya mapupunta. Alam kong hindi niya ito sasaktan dahil kagaya ko,mahal na mahal niya din si Tyrell.
Umuwi ako sa bahay na magaan na ang pakiramdam. Naniniwala ako na magiging maayos na ang lahat at magiging masaya din ako.
Pagdating ko ng bahay ay iba ang pakiramdam. Maaliwalas at magaan.
Matagal na kasing nagkakagulo sa bahay dahil nahanap na ng parents ko kung sino ang kumupkop sa matagal ko ng nawawalang kapatid.Nahiwalay siya sa amin dahil sa isang trahedya. Pero hindi sumusuko sila mommy at daddy sa paghahanap sakanya kahit maraming taon na ang nakalipas.
Nakita ko sila mommy at daddy sa sala na parehong naluluhang yumakap sakin pagdating ko.
"Anak,may magandang balita kami.." wika nila.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...