"Huy! Test na pala bukas! Bakit di ako aware? Huhu!" nagpapanic na sabi ni Sophia.
Magkakasama kami ngayon sa tambayan namin bago magsimula ang flag ceremony.
"Hala! Oo nga pala!" sagot ko rin. Hindi ko man lang namalayan."Di pa ako nag-aaral!" sabi ni Sophia. "Ako din!" sagot ni Arwen.
Lumingon kaming tatlo ng sabay sa mga boys na natutulog.
"Wala iyang mga pake. Tsk." sabi ni Sophia.Napagusapan namin na mag-aaral kaming lahat mamayang lunch sa library. Pipilitin nalang daw nila ang mga lalaki.
Sa first subject ay kaklase ko si Tyrell. Magkatabi kami habang nakikinig ako sa teacher. Siya naman ay pinaglalaruan lang ang kamay ko.
"Dahil mag-eexam na kayo tomorrow,mag-quiz nalang tayo para review niyo na rin sa mga lessons natin."
Sinasagutan ko lahat ng items nang biglang bumulong si Tyrell sakin. "Baby.."
"Hmm?" bulong ko nang nakatingin parin sa papel ko.
"Date tayo mamaya?" tanong niya.Tapos na ako sa quiz kaya tumigil na ako sa pagsusulat at bumaling sakanya.
"Exam na bukas eh. After ng exam nalang? Magrereview pa tayo." mahinang sagot ko.
Ngumuso siya at tumango.Pagdating ng lunch ay kumain agad kami at pagtapos ay dumiretso na sa library.
Nauna kaming dalawa ni Tyrell dahil hindi pa tapos ang mga kaibigan namin. Sabi nila ay susunod daw sila.
"Hanap tayo libro sa Math." sabi ko habang nagtitingin na sa mga shelves. Sumusunod lang siya sakin.
Nasa dulo na kami ng mga shelves kung nasaan ang mga libro para sa grade level namin. Kinuha ko ang isang libro ng math na naglalaman ng mga lessons namin.
Binuksan ko iyon at binasa. Habang ginagawa ko iyon ay biglang tinakpan ni Tyrell ang page na binabasa ko.
"Wag ka na mag-aral! Matalino ka na naman! Tsaka nakikinig ka naman diba?" pangungulit niya.
Natatawa ako kaya inirapan ko nalang.
"Kahit na! Iba parin yung nakapag-aral ako." sagot ko. Ngumuso siya."Dali na! Date nalang tayo!" patuloy parin siya sa pangungulit.
Hindi ko nalang pinansin at naghanap pa ng ibang libro para sa ibang subject nang bigla niya akong hilahin.
Sinandal niya ako sa shelf at walang pasabing hinalikan. Nanlaki ang mata ko pero napapikit din. Omg naman! Diba dapat review? Eh anong ginagawa namin ngayon? Argh! Traydor talaga ang utak ko dahil binitawan ko nalang ang libro at humawak sa batok niya. Sheeet! Ang isang kamay niya ay nasa baywang ko at ang isa ay hawak ang pisngi ko.
Napatigil nalang kami nang may narinig kaming ingay na papalapit. Agad akong humiwalay kahit ayaw niya pang bumitaw.
Lumingon kami sa mga kaibigan namin na kakakita lang sa amin at parang walang nakita sa ginawa namin kanina.
Hay! Masasapak ko talaga to si Tyrell pag nakita nila kami dahil maliligo kami ng asar!
Pinulot ko ang libro at lumapit sakanila.
"Uh..Tara? Upo na tayo sa table kuha na kayo ng libro." yaya ko sa mga kaibigan kong babae.Kumuha sila ng sarili nilang libro at sumunod na sakin. Sumulyap pa ako kay Tyrell na nakangisi at hawak ang labi bago umiiling na umalis.
Bago kami makaalis ay narinig ko pa ang mga kaibigan naming lalaki.
"Oh? Anyare?"
"Napilit mo ba na magdate kayo?""Hindi nga eh. Pero okay lang." sagot ni Tyrell.
"Mukha ngang okay lang,ang pula ng labi ni Andrea eh."
Napapikit nalang ako sa hiya nang bumaling ang dalawa kong kaibigan sakin.
Argh! Maliligo ako ng tanong sa dalawang ito ngayon!
"Gago." Narinig ko pang tumawa si Tyrell bago kami tuluyang nakaalis.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...