Inayos ko na lahat ng gagamitin namin kagabi palang.
Kaya hindi na ako nahirapan dahil pagka-ayos ko ng sarili ay dumating na rin si Tyrell para sunduin ako.
"Wag po kayong mag-alala. Bibili po kami ng breakfast." paalam niya kay mommy at daddy.
Humalik lang ako sakanila at sumakay na sa kotse ni Tyrell.Inayos niya ang seatbelt ko bago hinawakan ang isa kong kamay.
"Bakit naisipan nilang gumala?" tanong ko."Hmm. Para daw hindi masayang ang christmas break. Tsaka si Zayne ang nagplano nito, birthday kasi ni Alyssa." Napangiti ako dun.
Masaya ako para sakanila. Alam kong nagkakamabutihan na sila kaya nakakatuwa silang tignan dahil nagsisimula palang sila.
"Hmm. Ganun ba? Di ko pa siya nababati.." sagot ko.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Natawa ako nang subukan niyang kunin iyon ng hindi binibitawan ang kamay ko at ang isa ay hawak parin ang manibela.Natatawa ko nalang siyang tinulungan. Sinagot ko ang tawag ni Zayne at inispeaker yon para marinig niya rin.
"Dude, kain muna daw tayo breakfast? Tigil nalang tayo. Malapit-lapit na din naman yung resort." sabi niya."Sige. Kayo na ang pumili ng kakainan. Susunod kami." Umoo si Zayne at pinatay na nila ang tawag. Dun lang ako nagkaron ng pagkakataon para magtanong.
"Resort? Kaya ba pinagdala mo ako ng pangswimming? Ibig sabihin, overnight yun? Buti pumayag parents natin?" sunod-sunod na tanong ko. Tumawa siya sa dami ng sinabi ko.
"Oo. Resort. Overnight yun, pumayag naman kasi birthday naman ni Alyssa. Tsaka kahit hindi naman tayo magswimming, mag-eenjoy parin tayo eh. Meron naman silang suites. Pwede ring hotel room kung mas gusto mo."
Nanlaki ang mata ko at pinigilan ang paghampas sakanya.
Bakit siya normal lang at ako lang ang nahihiya?Tumigil kami sa gas station at kumain ng mabilis.
Habang kumakain ay normal silang lahat. Nagtatawanan at kwentuhan. Maliban sakin.Nang tumayo si Tyrell para magcr ay lumingon din ako sa babaeng tumayo rin sa kabilang table.
Alyssa Guigue.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit nakashades siya, nararamdaman ko ang titig niya kanina pa.
Hinawakan ko ang kamay ni Tyrell habang nakaupo parin ako.
"Dalian mo ah?" sabi ko.
"Miss mo agad ako?" ngumisi siya. Umirap nalang ako at napangiti narin.
Nang makarating kami sa resort ay nagpahinga lang kami sandali at nagkayayaan na silang magswimming.Nagbihis kaming lahat ng pangligo. Si Arwen ay nakablack na two piece, si Alyssa ay nakapink na one piece,habang ako naman ay nakared na two piece din.
Nauna na kaming mga babae sa shore dahil gusto pa daw nilang magpictures.
Habang kinukuhanan ni Alyssa ng litrato si Arwen ay nanonood lang ako sakanila.Malayo sila sakin dahil nasa tubig na sila habang nakaupo naman ako sa buhangin.
Nagulat ako nang may biglang lumapit sakin na lalaki."Hey. Mind if I join you? Mukhang wala ka namang kasama." ngumiti siya.
"Uh.-" Naputol ang sasabihin ko dahil biglang may umingit sa likod namin. Lumingon kaming dalawa."Ouch!" Napatid ang isang babae sa tsinelas na mukhang hindi niya nakita.
Nakita kong papalapit na samin si Tyrell na nakakunot ang noo pero napatigil siya sa paglalakad para tulungan ang babaeng tumayo.Iniwas ng babae ang mukha niya pero nagpa-alalay din kay Tyrell.
"T-Thanks." utal na sabi niya at nagmamadaling umalis.Mali ako. Hindi lang siya basta bastang babae. Si Alyssa yun. Hanggang dito ba naman?
Sinundan ng tingin ni Tyrell si Alyssa na para bang nagtataka sa iniasta nito.
Saka siya bumaling samin ng lalaki."Looks like may kasama ka naman pala." sabi ng lalaking katabi ko.
"Oo. May kasama siya. You may leave." masungit na sabi ni Tyrell."Sorry,dude. Akala ko kasi.." umiling siya at bumaling sakin.
"See you around." Umalis siya at bumaling naman ako kay Tyrell na naabutan kong nakatingin na sakin."Kahit saan talaga magpunta ay may nagtatangkang umagaw." bulong niya pa. Napangiti naman ako.
"Hindi naman nagpakilala."
"Eh bakit parang nanghihinayang ka pa?" inis na sabi niya kaya tumawa ulit ako.Nagtagal kami ng dalawang oras sa beach bago namin naisipang umakyat na sa hotel room.
Mas pinili naming maghotel room nalang kami kesa sa suite. Lahat kami ay may tag-iisang room.
Pagdating ng gabi ay nagkayayaan silang uminom. Hindi naman ako tumanggi dahil nakainom na rin ako dati.
Tsaka bihira lang naman ito.
Magkakasama kami sa iisang table nag-inuman.Pagdating ng madaling araw ay sabay nang bumagsak si Arwen at Alyssa. Inaantok na tumayo si Zayne at inalalayan si Alyssa.
Ganun nga din ang ginawa ng boyfriend ni Arwen sakanya."Mauna na kami. Hahatid namin sa kwarto." sabi ni Zayne kay Tyrell at bumaling sakin.
"Bagsak na kami samantalang ikaw ay gising na gising parin. Idol na kita." ngumisi siya at kinindatan ako. "Goodnight. Ubusin lang namin to." sagot ko pabalik.
Dalawang oras pa ay nakaramdam na rin ako ng antok. Humikab ako at sumandal sa upuan.
Si Tyrell ay papikit-pikit narin.
"Baby, let's go. Para makatulog na tayo." sabi niya at inalalayan akong tumayo.Nang hindi ko na kaya ay binuhat niya nalang ako at hinatid sa room ko.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
JugendliteraturSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...