Hindi ako nakasagot agad.
"H-hindi. Hindi siya pumayag." sagot ko."Ganun ba? Eh sino kayang partner niya?" Nagkibit balikat nalang ako.
Pagkauwi ay nilapitan agad ako ni mommy. "Tingnan mo ito!" Pinakita niya sakin ang isang fitted na crop top,shorts,at white sneakers.
"Pero ma-" Pinutol niya agad ako.
"Hep! Ang simple na nga nito oh! Baka gusto mong pagsuotin kita ng dress tsaka heels?" Agad akong umiling."Oh yun naman pala eh! Gumising ka ng maaga bukas para magpapaayos ka sa salon. Papalitan narin natin yung salamin mo." Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi bago umakyat sa kwarto.
Ni hindi man lang ako nakasagot.
Gumising ako ng maaga para maligo at magbihis. Hindi ko muna sinuot ang mga bagong damit ko dahil sabi ni mommy ay sa monday ko na daw ito suotin sa school.
Inayos nila ng inayos ang buhok ko. Ganito ba talaga katagal to?
Pinakita nila sakin ang salamin. Nagulat ako sa bagong itsura ko. Yung buhok ko ay kulot sa ibaba at nilagyan din nila ng make up ang mukha ko. Natural lang ito at hindi masyadong halata dahil natatakpan ito ng salamin ko.
Hinila ako ni mommy at dinala sa pagawaan ng salamin. "Ma,ok parin naman yung salamin ko-" Naputol ang pagsasalita ko dahil pinakita niya na agad sakin ang contact lens.
Dumating ang monday na wala na akong nagawa kundi sundin ang mga inuutos at lahat ng pinapagawa sakin ni mommy. Rason niya'y para sakin din naman daw lahat ng ito.
Sobrang nanibago ako pagharap ng salamin. Kung dati lagi lang akong nakaslacks at sweater, ngayon ay kita na ang ibang bahagi ng katawan ko at ang hubog nito. Nakalugay ang buhok ko at wala na rin akong salamin.
Ibang iba ang pakiramdam ko ngayon. Tila tumaas ang confidence ko dahil sa ginawa kong pagbabago.
Nilagay ko na ang bag ko sa isang balikat ko at binitbit ang mga libro bago nagpaalam kay mommy.
"Ingat,anak!" Ngiting ngiting sabi ni mommy.
Titig na titig sakin ang mga kaservice ko pagpasok ko ng service. Yumuko nalang ako dahil sa hiya at pumwesto sa pinakalikod.
Habang naglalakad ako papasok ng school ay may nakabangga sakin dahilan para mahulog ang mga bitbit kong libro. Yumuko ako para pulutin ito isa isa.
Tatayo na sana ako pero bago pa ako makatayo ay may apat na kamay na naglahad sakin para tulungan akong makatayo.
Tumayo ako ng walang tinatanggap. Hindi ko rin kasi alam kung kanino ang tatanggapin ko.
Pag angat ko ng tingin ay nagulat ako nang makitang mga kaibigan ito ni Tyrell. Yung apat na naglahad ay yung apat rin na madalas tumawa kapag tintanggihan ako ni Tyrell.
Nasa likod naman nila si Tyrell at yung boyfriend ni Arwen.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...