"Ok class,bukas ang fieldtrip niyo. I will give you the freedom to choose your partner."
Marami pang ibang sinabing detalye tungkol sa fieldtrip bukas. Nagkagulo na ang mga estudyante sa pagpili ng mga partner nila habang kami naman ni Tyrell ay nakaupo lang dito sa likod.
Sa last subject namin ay hindi ako makafocus ng maayos. Pinaglalaruan kasi ni Tyrell ang kamay ko.
"Ang kulit mo talaga eh,noh?"Nagring na ang bell na ibig sabihin ay uwian na. "Yes! Tara na!" Hinigit agad ako ni Tyrell. "Saan nanaman tayo pupunta?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin.
Kuha lang siya ng kuha ng pagkain kaya pinigilan ko na. "Tama na! Fieldtrip lang naman eh! Hindi naman one week!" Ngumuso siya. "Eh baka kasi magutom ka!" Natawa nalang ako.
Kakaalis lang namin ng school at papunta na kaming Antipolo.
"Wow!" Napanganga ako sa ganda ng church sa harap namin. "Tara. Dasal tayo!" Hinila ako ni Tyrell sa loob ng simbahan.
Busy ang lahat sa pagpipicture habang kami ni Tyrell ay may sariling mundo. Lumuhod kaming dalawa at nagdasal.
Maya maya ay umupo na kami sa upuan. "Hmm..Gusto mo bang dito tayo ikasal?" tanong niya bigla. "Ha?" Uminit ang pisngi ko. "Joke lang." Tumawa siya.
Sa huling lugar na pupuntahan namin ay may team building. Sumali kami sa lahat ng pwedeng salihan. Swerte nga kami at naging magkagrupo kami.
Sa isang activity na sasalihan namin ay tatapak ka sa maliit na kahoy at nasa kabilang dulo naman ang kapareha mo. Pag nagkita kayo sa gitna ay dapat walang mahuhulog sainyo.
Tinawid ko ng dahan dahan ang side ko. Ganun din ang ginawa ni Tyrell sa kabila. Nang magkita kami sa gitna ay hinawakan niya ang siko ko bilang suporta. Pero nahulog din kami agad at napuno ng putik kaya tumawa kami. Inalalayan niya akong tumayo at inayos niya ang medyo magulo kong buhok.
Nakapila kami ngayon sa rock climbing. "Mag-ingat ka ha?" Ngumiti siya kaya tumango ako at ngumiti.
Sabay kaming umakyat hanggang sa makarating sa tuktok. Todo cheer naman sila Arwen at ang friends ni Tyrell sa baba. Natawa nalang kami.
"Wooooh!" Sabay na sigaw namin ni Tyrell. Magkatabi kami ngayon sa zipline at ramdam na ramdam ang simoy ng hangin.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong sakin ng nakangiting si Tyrell. Umupo siya sa sahig. Pinagpagan niya ang tabi niya at naglahad ng kamay sakin para tabihan ko siya.
Naligo na kami at nag ayos ng gamit. Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik ng bus.
Sa byahe pauwi ay nagsimula nang maging maingay sa loob ng bus. Habang pagabi ng pagabi ay mas umiingay.
Nung lumubog na ang araw ay nagkwentuhan na sila ng mga scary stories. Nagshare sila ng mga experiences nila sa school.
Nakikinig ako nang mapansin ko na hindi nakikisama si Tyrell.
"Huy! Para kang nerd dyan! Idol mo ko?" Tumawa ako.Kumunot ang noo niya. "Ayoko yung pinag-uusapan." Humalukipkip siya at tumingin sa bintana.
"Ha? Natatakot ka ba?" Inasar ko siya ng inasar. "Damn. Stop it,baby." Sagot niya at sinuot ang airpods sa tainga niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop ang mga daliri namin bago siya humilig sa balikat ko at natulog.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...