Mabilis na natapos ang intrams. Panalo sila Tyrell sa halos lahat ng games niya. Naging overall champion din ang kulay namin. At syempre,MVP si Tyrell.
"Congrats,Tyrell!" Sinalubong ko siya ng yakap paglapit niya sa bench na kinauupuan ko.
Sinuklian niya yun at sumagot. "Thank you,baby. Mananalo talaga kami,andyan ka palagi eh." Napangiti naman ako.Balik nanaman sa klase ngayon.
"Huy! Nakita niyo na ba siya?" salubong na tanong ni Arwen samin habang kumakain ng recess.
Magkakasama kaming lahat except kay Tyrell. May inayos lang siya sa locker room na gamit pero susunod daw siya.
"Ha? Sino?" tanong ko.
"May dalawang bagong lipat na estudyante. Pero hindi naman daw sila related,sabay lang pumasok. Pareho pa nga ng pangalan eh. Usap-usapan dahil maganda daw pareho." sabi ni Sophia."Kaso nga lang,yung isa mataray." dugtong ni Zayne.
"Talaga? Anong pangalan?" tanong ko. "Alyssa. Yung mabait,Alyssa Madulin. Yung mataray,Alyssa Guigue." sagot ni Arwen."Ah! Kilala ko yung isa,si Alyssa Madulin. Naging kaklase ko siya sa isa naming subject. Nakipagkaibigan siya sakin,mabait nga." sagot ko.
"Oh! Ayan na pala yung mataray." Lumingon kaming lahat sa entrance ng canteen at nakita namin dun yung new student na si Alyssa Guigue at si Tyrell. Nag uusap sila at papalapit na sila sa table namin.
"OMG!" mahinang bulong ni Arwen. "Sige. Dito na ko. May kasama ka bang kumain?" tanong ni Tyrell kay Alyssa.
Nakakapit si Tyrell sa sandalan ng upuan ko habang kausap si Alyssa. "Uh. Meron naman." Lumingon siya sa table namin at ginala ang mata niya sa bawat isa samin. Tumigil ang mata niya sakin at nagtaas ng kilay.
"Uh..Friends mo?" tanong niya pa kay Tyrell. "Oo-" Naputol ang pagsasalita ni Tyrell dahil sa biglaang pagtayo ko.
"Oo. Friends niya sila." Naglahad ako ng kamay bago dinugtungan ang sasabihin. "Andrea Lorenzo." pagpapakilala ko.
"Also his friend?" tanong niya ng nakataas parin ang kilay. Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan na ni Tyrell ang baywang ko at sinagot ang tanong niya. "My girlfriend."
Umalis siya sa harapan namin ng nakakunot ang noo. Sinundan ko pa siya ng tingin at buti napigilan ko ang sarili kong irapan siya.
"Wow! Palaban ka pala?" naaaliw na tanong ni Arwen.
Umupo ako at kumain nalang ulit. Tumabi sakin si Tyrell na nakangisi. "Akala ko ba may aayusin ka sa mga gamit mo?" medyo inis na tanong ko pag upo niya sa tabi ko. "Nakasalubong ko siya nung papunta ako dito,nagpakilala siya sakin at nagpaturo kung nasaan ang canteen." paliwanag niya.
"Akala ko ba may mga kasama na siya. Bakit di siya dun magtanong?" bulong kong narinig ata niya.
"Nagseselos ka ba?" natatawang tanong niya."Luh. Hindi ah. Bakit ako magseselos?" sagot ko ng hindi nakatingin sakanya.
Hinawakan niya ang baba ko para tumingin ako sakanya. "Ah. Okay. Check ko lang kung may kasama na siya ah?" Tumayo siya.
Agad naman kumulo ang dugo ko pero hindi ako tumayo. "Di ka uupo?" Tumawa siya at umupo nalang ulit.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Ficção AdolescenteSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...