Chapter 35

25 0 0
                                    

Bago mag-twelve ay naghahanda na kami para umalis.
Narinig ko ang katok sa pinto na sigurado akong si Tyrell.
Siya lang naman kasi ang madalas na mangulit.

Binitbit ko na ang bag ko at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto para macheck kung may naiwan.

Nang nasiguro kong wala nga ay lumabas na ako para lang makita si Alyssa Guigue at Tyrell na magkausap.
Nakatalikod sila sakin at parang hindi man lang narinig ang pagbukas ng pinto at hindi naramdaman ang presensya ko.

"Please? Wala kasing susundo sakin. And ikaw lang kakilala ko dito. Don't worry,hindi ko kayo aabalahin ng..uhh..isa sa mga babae mo?" narinig kong sabi niya kay Tyrell.

"What?! Anong isa sa mga babae? Hindi siya isa sa mga babae ko. She is my girl. Only girl. Tsaka paano mo nalamang nandito kami?" halatang naiinis na sagot ni Tyrell.

"Syempre nakita ko kayo ng babae mo!"
Napatingin siya sakin at ngumisi.
"Oh! Andito na pala siya!"

Napalingon agad sakin si Tyrell. Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay.
"You done? Let's go home." kalmado at malambing niyang sinabi kumpara sa tono niya kanina. Tumango ako.

Hinila niya na agad ako pero narinig ko ang pagtawag ni Alyssa nang malampasan namin siya.
"Tyrell! Paano ako? How can i go home?" sabi niya.

Tumigil ako sa paglalakad at sumulyap kay Tyrell na ginugulo ang sariling buhok.

Lumingon ako kay Alyssa.
"Sumabay ka na." sabi ko para manahimik na.

Hinila ni Tyrell ang kamay ko para tumingin ako sa kanya.
"But baby,she's not my responsibility. Ikaw ang responsibilidad ko. Ikaw lang."

Napangiti ako ng konti dahil sa sinabi niya.
"Alam ko. Pero ihahatid lang naman natin siya. Walang masama dun..Unless kung dikitan ka pa niya ng dikitan. Tss. Didikit na nga lang sa akin pa. Tapos sa harap ko pa." Umirap ako.

Ngumisi siya.
"Kaya nagustuhan kita eh. You're too kind na nagawa mo pa siyang isipin kahit humaharang siya satin. Tapos mas lalo pa kitang nagustuhan dahil sa pagiging hmm..possessive mo?"

"Ano? Anong possessive? Sabi ko lang ay ayokong dumidikit siya sayo. Wala akong sinasabing nagseselos ako." maarteng sagot ko.
"Pero sinabi mong sayo ako." mabilis na sagot niya. Natahimik ako at napaisip. Oo nga no? Sinabi ko pala yun.

Narinig ko ang tawa niya at naramdaman ko nalang na hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.
"Don't worry. Hindi naman ako magpapa-agaw." sabi niya.

"Let's go!" maarte at naiinis na sabi ni Alyssa at pumagitna samin.

Umalis si Tyrell sa tabi niya at lumapit sakin at hinawakan ang baywang ko. Ako na ang nasa gitna ngayon.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon