Chapter 21

38 3 0
                                    

Pagkatapos naming kumain ay sumunod na kami sa mga kaklase namin na nagbobonfire.

Umupo ako sa tabi ni Zayne na katabi ni Sophia. Lumingon ako sa nakatayo sa likod ko paring si Tyrell. Kumunot ang noo niya at narinig ko naman ang tawa ni Zayne.

"Seloso talaga. Tsk."
Nagpalit sila ni Sophia ng pwesto kaya umupo na si Tyrell sa tabi ko. Nasa gitna ako ni Tyrell at Sophia at katabi naman ni Sophia si Zayne sa kabila. Napailing nalang ako. Seloso nga talaga.

"Laro tayo?" nagyaya ang isang kaklase ko.
"Tara!" tumawa sila kaya sumang ayon na rin ako.

"Pangbata naman yun eh." bulong sakin ni Tyrell nang sabi nilang magtagu-taguan. Tumawa ako. "Hayaan mo na. Ngayon lang naman."

"Ok. Sino ang taya?" tanong nila. "Bakit nakakunot noo mo? Ang saya kaya ng tagu-taguan!" tumawa ang isa at tinuro si Tyrell.

"Oo nga! Eh di ikaw nalang ang taya!" Tumawa kami at tumayo lahat. "Baby!" tawag niya sakin nang nagsimula na silang magtakbuhan at maghanap ng matataguan.
Tumawa ako. "Magbilang ka na!"

Tumakbo na ang lahat. May mga tatlo-tatlo,may mga grupo,at meron ding magkapareha. Yung iba ay nagsolo nalang. Karamihan sakanila ay nagtago sa dulo o sa likod ng kubo.

Pumunta ako sa restaurant na pinagkainan namin kanina. Nasa harap lang ito ng dagat kung saan magkakasama kami kanina. Sigurado lalayo si Tyrell dito. Di niya aakalaing nasa malapit lang ako magtatago.

Nagmadali akong umupo sa pangdalawahang table. Umorder ako ng juice at naglugay ng buhok para magtakip ng mukha. Kasabay ng pagdating ng juice ko ay nakarinig ako ng tumatakbo na papalapit sa kinauupuan ko.

Lumingon ako at nakitang si Zayne iyon. "Psst! Lika dito!" niyaya ko siyang umupo sa kaharap kong upan. Napangisi siya at agad umupo sa harap ko. "Mukha tayong mag-asawa na nagdidinner ah?" tumawa siya. "Asawa agad?" tumawa rin ako.

Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng mga nag uusap sa harap ng beach. "Ang hirap! Ang dami kasi natin!" reklamo ng isa. Lumingon kami at nakitang kakarating lang doon ni Tyrell at ang dalawang nahuli niya.

"Si Zayne at Andrea na lang ba?" tanong nila. "Sandali,kakapagod." 

Agad kaming lumingon sa ibang gawi dahil papalapit sila dito. Baka bibili ng inumin. "Saan kaya sila nagtago?" Umupo silang lahat sa kalapit na table namin.

"Teka.." Lumapit si Arwen samin at tanggap ko na na mahuhuli na kami. "Aba!" tumawa kaming dalawa dahil sa sigaw nilang lahat. Ngumuso naman si Tyrell na agad kong nilapitan.

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya. "Swimming na tayo?" tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango.

Nagpalit kami ng damit na pangligo. Sumimangot agad siya nang nakita ang red na two piece ko. Bumuntong hininga siya. "Fine. Gabi nanaman at madilim na. Subukan lang nilang tumingin talaga." bulong niya. Natawa nalang ako sa pagiging possessive niya.

Sabay kaming lumangoy sa malalim. Kahit madilim ay ayos lang dahil hawak niya naman ang kamay ko.

Nakababad lang kami sa dagat habang nakatitig sa buwan. Niyakap niya ako galing sa likod at nung lumapat ang katawan niya sa braso ko ay nagyaya na siyang umahon.

"Nilalamig ka na? Tara na.." Tumango ako at nagpalit na kami ng damit.

Pumunta kami sa mga tent na nilatag ng mga kaklase ko. Halos matawa ako sa dami ng tent na nakalatag sa likod ng mga kubo. Tatlo ang sa lalaki at apat naman sa babae.

Nakita ko si Zayne at Sophia na nag uusap at nang maramdaman nila na nasa likod nila kami ay lumingon sila. "Tulog na tayo?" tanong ni Sophia. Tumango ako at sabay na kaming pumunta sa tent,ganun din si Zayne at Tyrell.

Pumwesto si Sophia sa gilid. Kaming tatlo lang ang nandito. Ako,si Arwen,at si Sophia kaya maluwag kami. Nasa gitna si Arwen na malalim na ang tulog at parang kahit mag igay ay hindi magigising.

Humiga na rin ako at mabilis na nakatulog.

Nagising ako dahil naramdaman kong may humawak sa baywang ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin si Tyrell na titig na titig sakin.

Napabangon agad ako at nag ayos ng mukha. "Bakit ka nandito?" bulong ko.

"Di ako makatulog,gusto kitang katabi." Ngumisi siya kaya napahilamos nalang ako ng mukha.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon