"Salamat. Pero ayos lang ba yun? Pati tuloy klase mo hindi ka nakaattend dahil sinamahan mo pa ako." malungkot niyang sinabi.
"Wala ng mas importante kung ikaw na ang pinag-uusapan." sagot ko.
Umupo siya at sumandal sa unan para mas makausap ako ng maayos. "Bakit ba ganito ang turing mo sakin?" tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hindi na nagpaliguy-ligoy pa.
"Andrea,gusto kita." Naluluha siyang umiling. "Zayne,ayokong masaktan ka. Alam mo namang.." Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya.
"Alam ko. Pero hindi ako takot masaktan lalo na pag ikaw yung dahilan." sagot ko ulit.
Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan siya sa noo. "Tara na. Ihahatid na muna kita sa inyo para makapagpahinga ka." ngumiti ako.
Ngumiti ako at iginiya na siya sa pinto nila. "Salamat sa paghatid." ngumiti siya.
Andrea's POV
Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero agad akong napatigil dahil may narinig akong ingay. Hindi muna ako pumasok sa loob at nanatiling nakasandal sa gate.
May narinig ako suntok galing sa labas. "Layuan mo si Andrea!" Narinig kong sigaw ni Tyrell. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko ang boses niya pero ang nakapagtataka ay kung paano siya napunta dito. Sinundan niya ba kami?
"Wag mo akong diktahan sa kung anong gusto kong gawin! Ano bang pakialam mo?!" galit na sigaw ni Zayne.
"Basta lumayo ka! Wag kang dumikit sakanya! Hindi porket nag-ayos siya ay kukunin mo na!" sigaw ni Tyrell.
Naiiyak ako sa kadahilanang nag-aaway silang dalawa dahil sa akin. Matalik na magkaibigan sila pero nagkakagulo ng dahil sakin.
"Hindi yun ang habol ko! I like her and her personality! Kaya bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit gusto mong layuan ko siya." Mas mahinahon na sabi ni Zayne.
"Simple lang,dude. Mahal ko siya. I fell first. Bago mo pa siya magustuhan ay matagal ko na siyang gusto." Napatakip ako ng bibig dahil sa narinig.
Tumawa si Zayne. "Shut up. Sa tingin mo naniniwala ako sayo?" sabi ni Zayne.
"I have a lot of damn reasons kung bakit ko siya mahal kaya wag mo sabihin saking hindi ka naniniwala dahil kayang-kaya ko siyang ligawan ngayon sa harap niyong lahat." Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa mga binitawan niyang salita.
"Then what about Sophia? Hindi mo siya pwedeng iwan ng ganun ganun lang. Pinaasa mo siya." May diing wika ni Zayne.
"I know. I made a mistake. Masasaktan ko siya pero wala na akong magagawa dahil si Andrea talaga ang gusto ko."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago nagsalita ulit si Zayne. "Paano? At kailan mo siya nagustuhan? Lagi ko siyang tinatanggihan." Naguguluhang sabi niya.
"Gusto ko siya,matagal na. Napansin ko na siya nung sabay kaming pumasok dito. She was even my crush nung gradeschool. Nagustuhan ko siya pagtungtong namin ng highschool. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil sa inyo. Pinigilan ko dahil natatakot ako sa maaaring sabihin niyo. Alam niyong hindi ganun ang tipo ko. Pero anong magagawa ko? I fell. I fell from the beginning. At wala na akong balak pigilan ito. Kaya isipin niyo na ang gusto niyong isipin. Hinding-hindi ko na siya papakawalan."
Mahinang tumawa si Zayne. "I get it. Congrats,dude. Hindi na ako lalaban. Pero sa oras na saktan mo siya.."
Tumawa rin si Tyrell. "Salamat. Don't worry. Wala iyon sa plano ko."
Napahagulgol ako at napaupo pagkaalis nila. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pagkatapos ng lahat ng nalaman ko.
Nang mahimasmasan ay umakyat na ako papunta sa kwarto. Nagtanong si mommy pero dinahilan ko nalang na masakit ang puson ko at masama ang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...