"Ano yun?" pang uusisa nila. Hindi siya sumagot at binalik ang tingin sakin.
"Hindi ako pumapayag na maging partner mo ako sa batch night." Diretso niyang sinabi at tumalikod sakin.
Unti unti naman akong yumuko para itago ang luha kong unti unti ring tumutulo. Tumalikod ako kasabay ng pagtawa nila, pero nangibabaw sa tainga ko ang sinabi ni Tyrell.
"Nasaan si Kamilah?" tanong niya. Tinutukoy niya ang babaeng kasama niya kanina.
"Bakit, dude? May lakad kayo?" tanong ng isa. Bago ako lumabas ay narinig ko ang huli niyang sinabi.
"Hindi. I'm going to break uo with her."Dun sumampal sakin ang katotohanan na napakadali para sakanya ang manakit at magpalit ng babae. Simula nung dumating siya dito sa university ay hindi siya nauubusan ng babae. Kusa rin naman kasing lumalapit ang mga babae sakanya kasi gwapo siya at misteryoso.
Pagkauwi ay dumiretso ako sa kwarto. Maya maya ay kinatok ako ni mommy.
"Anak, hindi ka ba kakain? Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin.
"Busog pa po ako. Gusto ko nalang po muna magpahinga." sagot ko.Bumuntong hininga siya bago tumango at umalis.
Binuksan ko ang facebook ko at nakita ko ang bagong status ni Tyrell.
"In a relationship with Martina Acibron." Iyon ang bago niyang status.
Panibagong babae nanaman? Viniew ko ang profile picture niya at nakita ang isang babaeng mahaba ang buhok, matangos ang ilong, at mapula ang labi. Kagaya lang ni Kamilah pero mas maputi ito. Ganitong ganito ang tipo niya sa mga babae.
Tinawagan ko si Arwen para magtanong. "Hello?" Sinagot niya agad. "Uh. May itatanong lang sana ako." sagot ko.
"Go lang. Ano ba yun?" tanong niya.
"Kilala mo ba kung sinu sino na yung mga naging ex ni Tyrell?" tanong ko.Bumuntong hininga siya. " Sinasabi ko na sayong playboy siya diba? Pero sige, kung yan ang gusto mo. Mukhang hindi na talaga kita mapipigilan eh." sagot niya.
"Si Vivien, Jilianna, Camilah. Sila yun mga nakadate niya ngayong week. Si Martina yung girlfriend niya ngayon. Di ko lang alam kung sino bukas." sagot niya.
"Sige. Salamat." Binaba ko na ang tawag at napatingin sa salamin. Simula nung magkagusto ako kay Tyrell, lagi kong kinikwestyon kung bakit ganito ang itsura ko. Bumaba ako at kinausap si mommy.
"Ma, pwede ba akong mag ayos?" nahihiyang tanong ko. Ngayon lang kasi ako humiling ng ganitong klaseng bagay. Agad siyang sumagot ng nakangiti.
"Talaga anak?" Tumango ako. "Antagal ko ng gustong gawin yan, nak. Hindi lang ako sigurado kung papayag ka."
Nagulat naman ako dun. Gusto din pala ni mommy? Baka panahon na rin nga para magbago ako.
"Sa Saturday pumunta tayo sa salon. Ako na ang bahalang bumili ng mga damit mo." Nakangiti niyang sinabi.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok.
Pumasok ako sa locker room at nakita ko si Tyrell at Danielle. Nakasandal si Danielle sa locker habang kinukulong siya ni Tyrell gamit ang mga kamay niya.
Si Danielle ay isa sa mga pinakasikat na volleyball players dito sa university. Maganda, kaya hindi na nakapagtataka na maging girlfriend rin siya ni Tyrell.
Napalingon sila sakin kaya inayos ko na ang mga gamit ko sa locker at nagmadaling umalis.
Kumakain kami ngayon ng lunch nang bigla akong tanungin ni Arwen.
"Pumayag ba si Tyrell na maging partner mo siya sa batch night? Hindi daw kasi siya pumayag sa lahat ng babaeng nagyaya." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Fiksi RemajaSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...