Pagpasok ko sa kwarto ay hindi ko napigilang umiyak.
Mababaw na kung mababaw pero nahihirapan na ako. Ayoko nang maramdaman to.Humiga agad ako sa kama at niyakap ang unan ko.
Kinuha ko ang phone ko sa lamesa sa tabi ng kama.Tinawagan ko ang kaibigan ko, si Xavier. Alam ko naman sasagot siya kahit anong oras.
"Hello, dea? Problem?" tanong niya.
"Uh, nasaan ka?" tanong ko.
"I'm with my girlfriend, sa BGC. You need anything?" tanong niya."Ano lang..pwede mo ba ko ihatid sa airport bukas?" Pakiramdam ko sobrang hina ko. Napagod lang ng konti, susuko na agad.
Sinubukan kong pigilan ang pagpatak ng mga luha ko pero hindi ko kaya.
"Are you okay? Puntahan ka namin?" Ramdam ko ang alala sa kaniyang tono."Wag na, okay lang ako..Magenjoy lang kayo dyan ni Lexa..Pwede mo ba ko ihatid?"
"Yeah. Alam kong hindi ka okay. We're going there." sabi niya at agad binaba ang tawag.11:00 pm na, andito parin sila. Nakinig sila sa kwento ko buong gabi.
"Gabi na, baka hinahanap na kayo. Uwi na kayo.." sabi ko at ngumiti kahit na nararamdaman ko na naman ang lungkot.Pag umalis sila ay maiisip ko nanaman si Tyrell at Alyssa, pag umalis sila ay mag-isa nanaman ako.
"No. Dito kami magssleep. Ayaw ka namin iwan. We're going to Palawan din tomorrow. Nakapack na kami." sabi ni Lexa.
Nanood pa kami ng ilang movies bago nila naisipang matulog.
Tulog na silang dalawa pero gising
parin ako.
Ang swerte ko sakanila.
Napangiti ako.Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. Napag usapan na namin ni mommy na aalis na ako.
Sinabi ko sakanya na gusto ko lang ng bagong mapagkakaabalahan.Lumabas ako sa balcony at tumitig sa mga ilaw ng buildings.
Hindi ko akalaing aalis ako sa bahay na to. Ang bilis ng pangyayari.Parang masaya lang ako dati kasama si Tyrell, nung dumating si Alyssa, puno na ako ng iyak.
Hindi naman kasalanan ni Tyrell. Pero bakit ako nasasaktan?Hindi ko siya iiwan, iintayin ko siya.
Tumulo ang luha ko kasabay nang pagyakap sakin nila Xavier at Lexa sa likod.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Fiksi RemajaSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...