Pagdating sa sasakyan ay mabilis na binuksan ni Tyrell ang front seat. Sasakay na sana ako pero inunahan ako ni Alyssa.
Nagkatinginan kami ni Tyrell at narinig namin ang inis na buntong hininga ni Alyssa.
"Argh! What? Ayoko namang pagmukhaing driver si Tyrell kaya di ako umupo sa likod. Kung ayaw niyo di nalang ako sasabay-"Tatayo na sana siya habang nagsasalita pero hinarang ni Tyrell ang kamay niya para hindi umalis si Alyssa sa upuan niya.
"Wag. Mahirap para sayo ang bumyahe ng mag-isa. Alam ko namang hindi ka sanay. Kung gusto mo umupo dyan,sige." sabi ni Tyrell at sinara ang pintuan bago bumaling sakin.
Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.
"Okay lang. Naiintindihan ko." mabilis kong sagot bago tumalikod sakanya at sumakay sa likod.Ginulo niya ang buhok niya bago umikot at sumakay na din.
Lumingon pa siya sakin bago paandarin ang sasakyan kaya mabilis akong umiwas ng tingin.Sa gitna ng byahe ay nagsimula na silang magkwentuhan.
Sa tingin ko nga ay ako pa yung hindi dapat sumabay."Nakapunta ka na sa Batanes?" tanong ni Alyssa kay Tyrell.
"Hmm..Hindi pa." sagot ni Tyrell."Maganda daw dun! Si Kamilah,yung friend ko,dun siya nakatira. We should go there!" natutuwang sabi niya samantalang natahimik naman si Tyrell at hindi na din ako umimik.
Alam naming pareho na si Kamilah ay isa sa mga ex niya.
Nagkatinginan kami sa salamin kaya tumingin nalang ako sa bintana.Nakatulog ako sa byahe at nagising nalang nang tawagin ako ni Tyrell. "Andrea.."
Napamulat agad ako galing sa pagkakatulog.
Naabutan ko siyang nakatingin sakin gamit ang malamig na mga mata.Kumunot ang noo ko at napatingin sa harap.
Nakita ko si Alyssa na abala sa paglalagay ng make-up sa mukha.Bumuntong hininga ako nang napagtanto na ako ang inuna niyang ihatid.
Bumalik ang mata ko kay Tyrell na nakatitig parin sakin.
Inayos ko ang sarili ko at ang mga gamit ko.Tinupi ko ang sweater na ginamit ko nung natulog ako at nilapag sa upuan sa tabi ko.
"T-thank you sa paghatid." sabi ko at dali-daling bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay nang hindi lumilingon sa sasakyan.
Sumandal agad ako sa gate pagkapasok.
Tumingala ako at pinigilan ang nagbabadyang luha.Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Mababaw na kung mababaw pero nasasaktan ako. He's unusually cold.
Nakarinig ako ng tunog ng pintuan kasabay ng boses ni Alyssa.
"Tyrell! Pupuntahan mo nanaman siya?-""I'm going to apologize to her-" putol sakanya ni Tyrell.
Narinig ko ang tawa ni Alyssa.
"For what? Dahil hinatid mo ako? Dahil ako ang katabi mo? Dahil inuna mo siyang ihatid? Psh! Come on! Siguro naman hindi siya mukhang mababaw diba? She won't get jealous. So let's go! And oh! Let's have dinner pala muna. I'm starving na eh."Hindi muna ako umalis sa kinatatayuan ko sa pag-babakasakaling pupunta ulit siya sakin.
Napatingin nalang ako sa baba nang marinig ang sagot ni Tyrell.
"Fine. I guess you're right."
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Подростковая литератураSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...