Maingat niya akong nilapag sa kama at kinumutan.
"Goodnight,baby."Hinuli ko ang kamay niya at hinawakan bago pa siya tuluyang makaalis.
"Hmm. Dito ka muna." mahina at inaantok na sabi ko.Umusog ako ng konti at umupo naman siya sa tabi ko.
Hawak ko lang ang kamay niya habang nakaupo siya at hinahaplos ang buhok ko.Mas lalo lang akong inaantok dahil sa ginagawa niya.
"Antok ka na ba? Pwede ka ng pumunta sa kwarto mo. Gusto lang kita makasama saglit bago ako matulog." nakapikit na sabi ko.Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Pagkatapos ay sa ilong.
Minulat ko ang mata ko at naabutan ko ang titig niya sa labi ko.Hindi ko kayang titigan lang yun. Inangat ko ng kaunti ang ulo ko para maabot ang labi niya.
Agad niya iyong sinuklian at narinig ko ang mahihina niya mura habang hinahalikan ako ng mas mariin.Diniinan pa niya lalo ang halik dahilan para mapahiga na ako ng todo.
"Damn." mura niya habang bumababa ang halik pababa sa leeg ko.
"Tyrell.." Nawala na ang antok ko pero hindi ko alam kung bakit parang mas nakakalasing ito.Napapikit ako nang diinan niya lalo ang halik niya. Na sa sobrang diin ay tingin ko nag-iwan na ng marka.
Tumigil siya at huminga ng malalim.Napaiwas ako ng konti dahil sa kiliting naramdaman.
"I love you." Pinasadahan niya ng halik ang balikat ko bago ako hinalikan ulit sa noo.
Inayos niya ang kumot ko at tumayo na. Minulat ko ang mata ko at nakitang nakatitig siya sakin.
"I'm sorry. Did I go too far?" nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako at ngumiti."Ako naman ang nagsimula. Tsaka I trust you. See? Tumigil ka nga ng kusa eh." tumawa ako.
Umiling naman siya at nagpigil ng ngiti.
"Damn. Hindi na talaga ako iinom pag kasama ka." sambit niya at hinaplos ang leeg ko.Napahawak din ako dun.
"Paano kung mag-marka?" tanong ko.
"Hmm. I guess we'll have to tell them the truth? Sabihin mo ako may gawa." nakangisi niyang sabi.Umiling naman ako at pinalo siya ng mahina.
"Joke lang. Siguro yung best solution ay magsuot ka ng turtlenecks?" nakangisi niya paring sabi. Sumimangot naman ako."Seryoso ka ba? Sa ganitong panahon? Tsaka wala akong dalang ganun."
"Ako na ang bahala dun." ngumisi siya at hinalikan ang pisngi ko."Ang importante,wala kang ipapakitang pagmamay-ari ko."
"May magagawa pa ba ako?" sagot ko.Lumuhod naman siya para maglebel ang tingin namin.
Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan iyon."Always remember that I am loyal to you. I am yours. Yours alone. Sinasabi ko to sayo ngayon para hindi ka na mangamba. I want you to know that you are enough for me." ngumiti siya at hinalikan ulit ang kamay ko.
"I love you."
Napaluha ako sa nag-uumapaw na saya. Hindi ko akalaing magmamahal ako ng ganito at mamahalin ako ng ganito. Pinunasan niya ang luha ko."Wag ka na munang umiyak. Ireserve mo nalang para sa kasal natin." ngumisi siya.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Подростковая литератураSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...