Pagkauwi ko sa bahay ay nagpalit na agad ako ng pang bahay na damit para makapag-aral.
Papaupo palang ako sa kamay ay kumatok na si mommy.
"Anak,andyan si Tyrell sa baba. May exam daw kayo? Papaakyatin ko dito ah? Para sabay kayong makapag-aral.."Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya at narinig ko ang tawag niya kay Tyrell.
Agad kong chineck ang damit at ang mukha ko kung maayos ba.
Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na si Tyrell ng hindi kumakatok.
Sinalubong niya ako ng nakangisi. Lumapit siya sa kinauupuan kong kama at agad akong hinalikan sa noo.
"Huy! Anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka pa mag-aaral?" natataranta kong tanong.
"Mas nakakafocus ako pag may inspirasyon." sagot niya at umupo sa tabi ko. Nangingiti akong umiling.
"Baka ako ang di makafocus niyan?" biro ko na nagpanguso sakanya. "Lakas mo ah? Nakapasok ka agad dito sa kwarto ko." sabi ko at tumawa siya.
"Syempre,mahal ako ni mommy at daddy." sagot niya kaya tumawa ako at hinampas siya ng unan.
"Joke lang! Nagpapasalamat ako dahil may tiwala sila sakin at wala akong planong sirain yun." Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Aral na tayo."
Kinuha ko ang mga gagamitin naming libro at notebooks habang nagtatanggal siya ng sapatos.
Nilapag ko ang mga gamit sa kama at umayos naman siya ng upo. Umupo ako sa gitna ng kama habang siya naman ay humiga at yumakap sa baywang ko.
"Huy! Paano tayo mag-aaral niyan kung matutulog ka lang?"
"Hmm. Magsalita ka lang. I'm listening." sagot niya at pumikit.Nag-aral kami sa lahat ng subjects para bukas.
"Gets?" tanong ko at mabilis siyang tumango.Alam ko namang matalino din ang isang ito,tamad lang.
Bumangon siya at tinulungan ako sa pag-aayos ng gamit nang matapos kami."Madali lang naman pala. Kahit hindi ako nakikinig ay naintindihan ko. Madali lang ba talaga yung lessons o magaling ka talaga magturo? Hmm.. Dapat pala ikaw na ang magturo sakin at dito ako lagi mag-aaral kung ganun." sabi niya kaya napangisi nalang ako.
"Abuso ka." Tumawa siya.
"Ayaw mo nun? May natututunan na nga ako,magkasama pa tayo."Umiling nalang ako.
Niyaya niya akong manood ng movie at hindi ko naman tinanggihan.
Iba nanaman ang posisyon namin habang nanonood ng movie. Nakaupo parin ako habang nakaunan naman siya sa mga hita ko. Hinuli niya ang kamay ko at pinaglaruan habang nanonood.
Kinabukasan ay tila puyat ang lahat at hindi parin handa sa exam. Kaya naman ay wala kaming panahon magkwentuhan dahil lahat ay nakatutok sa libro.
Kami lang ni Tyrell ang tahimik na nag-uusap.
Nakatapos na kami ng dalawang exam. Filipino at English. Mabuti nalang at madali yun at hindi ganun kahaba.
Pagkabigay na pagkabigay palang ng huling test paper,ang Math,ay narinig ko agad ang malalakas na buntong hininga ng mga kaklase ko.
Mabilis ko naman itong nasagutan ng dire-diretso. Ito kasi ang pinagtuonan namin ng pansin ni Tyrell kagabi.
Tumayo ako para ipasa na ang papel kasabay ng pagtayo din ni Tyrell.
Sabay kaming lumapit sa table at nagpasa ng papel.Ngumiti naman ang teacher at tinanggap ang papel.
"Wow Mr. Velesterio! Ang bilis natapos ah? And I heard sa mga subject teachers mo na nag-iimprove ang grades mo?" Sabi ng teacher sa nakangisi lang na si Tyrell.Bumaling ang teacher sakin.
"Good job din,Miss Lorenzo.Pagpatuloy niyo yan. You may go home na." Tumango ako at ngumiti.Sabay kaming lumabas ng classroom dala ang mga bag namin.
Habang naglalakad kami ay hinawakan ni Tyrell ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri naimin.
"See? Malakas talaga ang hatak mo sakin."
Natatawa akong umiling.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...