"Andrea! Tuloy ka!" nakangiting pagsalubong sakin ng parents ni Tyrell pagdating ko sa bahay nila.
Nauna na akong pumasok dahil sabi ni Tyrell ay ipapark niya pa sa garahe ang sasakyan niya.
December 30 palang ay pinayagan na ako nila mommy na dumito na muna kila Tyrell para daw makabonding ko rin ang pamilya niya.
"Handa na ang guest room. Magpalit ka muna ng mas komportableng damit bago tayo magdinner." sabi sakin ng mommy ni Tyrell.
"Thank you po." nakangiting sagot ko. "Hmm. Napapansin ko puro ka lang 'po'. Pwede namang tita nalang?" sabi sakin ng mommy ni Tyrell.
"Pwede rin namang mommy?" biglang singit ng kakapasok lang na si Tyrell.
Pinaglalaruan niya ang susi ng sasakyan niya habang nakasandal sa pinto at nakapamulsa.
Nakangisi siyang lumapit samin at inabot ang bag ko kung nasaan ang mga damit ko bago ako hinalikan sa pisngi."Magbihis ka na muna. Intayin kita dito." sabi niya at sumalampak sa sala.
Kinindatan niya pa ako bago ako bumalik sa ulirat at nagmadaling pumuntang guest room.Nakakahiya talaga siya!
Nagbihis lang ako ng pangbahay at bumaba na.Pero pagbaba ko ay wala si Tyrell sa sala. Sumilip ako sa dining area pero parents niya lang ang nandun.
Asan siya?
"Wala akong pakialam! Tumigil ka na please? Ano? Wag! Wag kang pupunta dito!" narinig kong inis na sabi niya.
Sumilip ako sa labas at nakita kong binaba na niya ang linya sa kausap niya sa cellphone.
Kunot parin ang noo niya nang tumalikod.Nagulat siya nang nagtama ang paningin namin at agad lumambot ang mukha niya.
"Sorry,baby. Si Alyssa yun. Nanggugulo nanaman. Gusto niya daw pumunta dito dahil gusto niya daw ako makasama sa new year. Tsk."
Bakas parin ang inis at iritasyon sa tono ng boses niya pero makikita mo ang pagiging sinsero niya sa mga mata niya.
"Nanggugulo nanaman? Ibig sabihin hindi ito yung unang beses na tinawagan ka niya? Lagi siyang nanggugulo?" tanong ko.Bumuntong hininga siya bago tumango. "Hindi ko rin alam kung paano niya nakuha ang number ko tapos ngayon gusto niya pumunta dito? Paano niya nalaman ang address?"
Pilit na ngumiti nalang ako at inayos ang kilay niyang salubong.
"Hayaan nalang natin siya. Titigil din yan." sabi ko.Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan yun. "Thank you for understanding, baby."
Nagising ako dahil sa naramdaman kong labi sa noo ko.
"Good morning,baby." bulong niya sakin habang nakalapat ang noo niya sa noo ko."Good morning." paos ang boses na sagot ko.
"Ilang oras nalang bagong taon na. Gusto kong gumawa ng marami pang ala-ala kasama ka." malambing niyang sinabi kaya napangiti ako.Sinalubong namin ang new year na puno ng ingay, tawanan, at sigawan. Sobrang saya ko dahil kasama ko siya ngayon at sinasalubong ang bagong taon.
"Happy new year, baby. I love you." matamis ang ngiting sabi niya sakin. "Happy new year. I love you too." nakangiting sagot ko.
Niyakap niya ako ng matagal at sinuklian ko naman yun.
Biglang tumunog ang phone niya at nakita ko ang pangalan ni Zayne.Sinagot niya yun at inispeaker para marinig ko din.
"Hoy lalaking nagpapakasaya ngayon! Happy new year! Pabati narin si Andrea!"Narinig ko ang maraming boses sa cellphone ni Tyrell. Maingay sila at sabay-sabay. Tumawa si Tyrell.
"Talagang masaya! Happy new year din! Kayo ah! Magkakasama kayo di niyo ko niyayaya!" sagot ni Tyrell.
"Eh alam naman naming may kasama ka na eh!" tumawa sila.
"Syempre! Naririnig niya nga pala kayo."Narinig ko ang maraming bati pero nangibabaw ang boses ni Zayne. "Happy new year,Andrea!" Napangiti ako at sumagot pabalik.
"Oo nga pala. Gala tayo bukas,dude! Andrea,sama ka. May ibang girls din. Kasama si Alyssa." sabi ni Zayne.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...