Chapter 3

80 3 0
                                    

Lahat sila ay nanlaki ang mata maliban kay Tyrell. Lumingon silang lahat kay Tyrell. "D-dude.."

Kumunot ang noo niya. "Ano? Si Sophia ang date ko ngayon at siya na rin ang gusto kong maging partner para sa batch night." sagot niya.

Naluluha ako kaya umamba akong aalis. May humigit sa kamay ko at nakitang si Zayne ito,isa sa mga pinakamalapit kay Tyrell.

"Sorry sa mga nagawa ko at sinabi ko. Pwede bang ikaw nalang partner ko para sa batch night?" tanong niya.

"Uh. Okay." sagot ko dahil siya lang naman din ang nagyaya. Sinabi din naman ni Arwen na kapag may nagyaya,basta mabait ay umoo ako.

"What?" sigaw ni Arwen nung sinabi ko sakanyang si Zayne na ang partner ko.

"Andrea naman! Pangalawa siya sa mga playboy ng school!" inis na sagot niya.
"Ayos lang. Nagsorry nanaman siya saakin." sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo siya aanuhin ha! Pag sinaktan mo yan,pinagtawanan-" Pinutol ko na si Arwen.

Kanina niya pa kasi pinapangaralan si Zayne. "Tama na nga yan, partner ko lang naman siya." sagot ko.

Ngumiti si Zayne. Napatingin naman ako kay Tyrell na katabi ni Sophia.
Magkakasama kami ng table dahil gustong makasama ni Arwen ang boyfriend niya.

Kasama ni Tyrell si Sophia na may binubulong sakanya. Nakahawak naman si Tyrell sa balikat ni Sophia.

Nag iwas ako ng tingin kasabay ng paghawak ni Zayne sa likod ng upuan ko na para bang inaakbayan ako.

Nagsimula kaming magkwentuhan at tawanan. "Ang saya mo pala kasama. Sorry talaga sa mga nagawa ko sayo dati. Hinusgahan kita kahit hindi ko pa alam ang ugali mo." sagot niya. He looks guilty.

Ngumiti ako. "Wag mo na ngang isipin yun. Sapat na yung sorry mo. Friends?" tanong ko. Lumiwanag ang mukha niya at napangiti na rin.

Buong week ay usap usapan kaming apat. Ako,si Zayne,si Sophia,at si Tyrell.

"Huy! Napapansin niyo ba? Buong week si Sophia ang girlfriend ni Tyrell!"

"Baka naman seryoso na siya kay Sophia?"

"No! Hindi pwede!"

"Pero I heard na si Sophia na rin daw ang partner niya sa batch night!"

"Per napapansin niyo rin ba si Zayne?"

"Right! Hindi na siya nambababae. He's always with Andrea. I think friends na sila." Marami akong naririnig tungkol sa amin ni Zayne. Karamihan ay tungkol sa pagkakaibigan namin.

Lumapit agad si Zayne sakin pagkalabas ko ng classroom. "Lunch!" sabi niya at hinila na ako papunta sa canteen.

Ngumuso siya dahil inunahan ko siya sa pagbayad. "Lagi nalang ikaw ang nanlilibre eh! Ako naman ngayon!" Kinindatan ko siya.

"Masyado kang maganda." Umiiling niyang sinabi habang nakangiting nakatitig sakin. Ngumuso ako.

Hindi talaga ako sanay ng sinasabihan ako ng maganda. Kinurot niya ang pisngi ko. "Aw!" sagot ko at ginulo ang buhok niya bilang ganti.

Binitawan niya ang pisngi ko at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa buhok niya para pigilan ako sa panggugulo.

Tumawa kaming dalawa kaya pinagtinginan kami hanggang sa..
"Tabi. Tapos na kayong bumili diba? Tumabi kayo. Let's go,babe." Tawag niya kay Sophia.

Kinuha ni Zayne ang pagkain namin at lumayo na kami kila Tyrell. "Bakit ang sungit nun?" Nagtatakang tanong ni Zayne.

Habang paupo kami ay tiningnan ko ulit sila Tyrell. Umoorder si Sophia habang si Tyrell naman ay busangot ang mukha.

Sa susunod na araw ay inaasahan kong sasalubungin ako ni Zayne sa entrance ng school katulad ng dati niyang ginagawa pero wala siya ngayon. Hindi naman yun nalalate ah?

Hindi ko parin siya nakikita pero nakasalubong ko siya nung recess na. Kakaway sana ako pero dire-diretso lang siyang naglakad kasama si Arwen at ang boyfriend niya na hindi rin ako pinansin.

Anong problema?

Naging kaklase ko silang tatlo sa huling subject namin pero hindi nila ako pinansin nung sinubukan ko silang kausapin.

Malungkot akong pumunta sa library. Magbabasa nalang muna ako dito,kahit late na akong makauwi,Saturday naman bukas eh. Umupo ako sa isang table at nagbasa.

Habang nagbabasa ay may umupo bigla sa harap ko.
Nag angat ako ng tingin at nagulat nung nakitang si Tyrell yun. Akala ko si Zayne pero nagkamali ako.

"May kailangan ka? A-asan si Sophia?" tanong ko.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon