"2 weeks nalang at batch night na!" Excited na sabi sakin ni Arwen pagpasok ko.
"So..gusto niyo ba ng performance sa batch night?" tanong ng teacher samin. Pinag uusapan namin ang mga plano nila sa batch night.
"Syempre naman,Miss!" sigaw ng isa. Nagsuggest sila ng nagsuggest ng mga pwedeng gawin.
Nagulat ako nang bigla nalang nabanggit ang pangalan namin ni Tyrell.
"Miss! Dapat may kakanta din diba?"
"Oo nga,Miss! Mas maganda kung magkapareha diba ?"
"Ito,Miss oh! Magaling maggitara!" Turo nila kay Tyrell.
"Ito din,Miss oh! Magaling kumanta!" Ako naman ngayon ang tinuro ni Arwen.
"Okay,okay. Kayo na ang bahala. Basta kapag ayaw,wag pilitin okay?" sagot ng teacher.
Umalis na muna siya at iniwan kaming nagpaplano parin."Oh pano ba yan?" Pinilit nila ng pinilit si Tyrell.
"Sure. Basta si Andrea ang kakanta."
Tumingin naman ang lahat sa akin kaya wala na akong nagawa kundi pumayag.Napili din si Zayne para magperform ng solo. Wala din siyang nagawa at pinilit ko na rin kasi. "Dali! Damay damay na to!" Tumawa ako.
Natapos ang week na puro lang kami practice. Araw araw din kaming gumagala ni Tyrell after ng practice at araw araw din niya akong hinahatid sa bahay.
"Anak,anong gusto mong design ng gown mo? Para makapagpagawa na tayo." tanong sakin ni mommy at ngumiti.
One week nalang at batch night na. Kaya naghahanda na ang lahat ng kanya kanyang mga susuotin para sa batch night.
"Ito nalang po,ma." Itinuro ko ang isang simpleng pink na tube gown.
"Sigurado ka na ba dito,anak? Mas marami pang magaganda." tanong ni mommy.
"Ayos na po yan,mas gusto ko ang simple." ngumiti ako.Tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag.
"Baby?"
"Hmm?" sagot ko."Anong color ng damit mo?" tanong niya.
"Pink." sagot ko ulit.
"Alright."
"Bakit pati yan tinatanong mo?" ngumisi ako.
"Para parehas ulit tayo." Napailing nalang ako at napangiti.Nagsimula na rin kaming magpractice ng sayaw ng buong batch. Masaya naman ang huling week ng practice.
Handang handa na ang lahat para sa batch night. Ang lahat ng mga pagkain,damit at performances ay ayos na.
Hanggang sa dumating na ang pinakainaabangan ng lahat.
"Ang ganda-ganda mo,anak!" Tuwang tuwang wika ni mommy pagkatapos kong maayusan.
Kulot parin ang buhok ko at ayos na rin ang damit ko.
Light pink ang eyeshadow pero mas tumingkad at nakafocus sa mga labi ko."Damn." Ang tanging sinabi ni Tyrell pagsakay ko ng kotse niya.
May kinuha siya sa likod ng upuan ko at inabot sakin ang isang bouquet ng pink na mga bulaklak.
"Thank you!" Napangiti ako.
Simpleng bagay lang pero grabe na ang epekto nito sakin.Pagdating sa venue ay agad akong kinabahan sa dami ng tao. Bonggang bongga ang mga damit nila kaya nakaramdam ako ng panliliit.
Naramdaman ko ang kamay ni Tyrell sa baywang ko pagbaba namin ng kotse.
"Ikaw ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Kaya wag ka ng mag isip okay? Let's just enjoy this night."
Sinalubong kami ng mga kaibigan namin sa entrance na ngiting ngiti.
Nakaramdam nanaman ako ng kaba pagkita sa kabuoan ng venue. Parang nakalimutan ko na ang lahat ng pinractice ko.
Bahagyang humilig si Tyrell sakin at bumulong sa tainga ko.
"Don't be nervous,my lady. I'll be with you."
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Dla nastolatkówSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...