"Hinatid ko na sa bahay nila." sagot niya kaya tumango ako.
Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita ulit siya."You really enjoy being with him,huh?" Humalukipkip siya at tumitig sakin. Kinabahan ako dahil sa lalim ng titig niya.
Alam kong si Zayne ang tinutukoy niya. "M-magkaibigan kami..Hayaan mo,sasabihin ko sakanya na sumama naman sainyo. Hindi naman pwedeng mawalan siya ng oras sainyo dahil naging magkaibigan kami. Kayo naman yung totoong kaibigan niya-" Pinutol niya ako.
"Shh. Sorry about that. Hindi yan yung pinunta ko dito." sagot niya.
Kung hindi dahil sa amin ni Zayne,edi ano?Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ang isang itim na box. "Advanced Happy Birthday Andrea." Malungkot siyang ngumiti at umalis.
Binuksan ko ang box at nakitang necklace iyon na letter T. Napangiti ako. Buti pa siya naalala.
Naramdaman ko nanaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Kahit ilan oa ang girlfriend niya,kahit hindi niya ako pansinin,at kahit seryoso na siya kay Sophia ay gusto ko parin siya.
Kinabukasan,pagpasok ko sa dining area ay walang tao. Hindi naman ganito kapag Sabado ah? Laging nagluluto si mommy ng espesyal kapag Sabado.
Sabi niya'y pahinga daw namin iyon at dahil sa ganung araw din umuuwi si daddy na galing pang ibang city.
Nilibot ko na ang buong bahay pero wala akong nakitang ni isang bakas ng tao. Napagpasyahan kong lumabas para silipin ang garahe at nagulat ako nang tumambad sakin ang lahat ng kamag-anak at kaibigan ko.
"Happy Birthday Andrea!" Hinalikan ako ni daddy sa pisngi na siyang may hawak ng cake. "Ang ganda mo,anak. Dalagang-dalaga ka na." Nakangiting sabi ni daddy.
"Thank you,daddy!" Ngumiti ako.
Bumeso ako sa lahat ng kamag-anak ko at nagpasalamat sa mga regalo at sa pagdalo.Saka ako bumaling sa table ng mga kaibigan ko. "Salamat sa pagpunta ah! Akala ko talaga galit na kayo sakin!" Nakangiti kong sinabi.
"Ano ka ba! Wala yun! Tsaka pinaghandaan talaga namin to para masurpresa ka." sabi ni Arwen at sabay nilang inabot ng boyfriend niya ang mga regalo nila.
Napatingin ako kay Zayne dahil tumayo siya. Ngumiti siya sakin at inabot ang isang kahon. Binuksan ko iyon at nakitang necklace din iyon na letter Z.
"May I?" Umamba siyang tatanggalin ang suot kong necklace na bigay ni Tyrell. Nag-aalinlangan pa ako nung una pero sa huli ay tumango nalang ako.
Binigay niya sakin ang kwintas na bigay ni Tyrell at sinuot niya sakin ang bigay niya. "Beautiful." Nakangiting sinabi niya.
"T-Thanks." Nauutal kong sinabi at ngumiti.
Bago ako matulog ay tinitigan ko muna ang dalawang kwintas na bigay sakin ng dalawang lalaking importante sakin. Alin ba ang dapat kong suotin?
Kahit alam kong wala akong pag-asa kay Tyrell ay patuloy parin ang paghanga ko sakanya.
Siguro panahon na rin para pagtuonan ko naman ng pansin ang mga taong laging nandyan para sakin. Katulad ni Zayne.
Tyrell,alam kong alam mo kung gaano kita kagusto. Pero ngayon uunahin ko muna ang sarili ko. Pero hindi kita sinusukuan. Hinding-hindi.
Pagpasok ko ay napangiti si Zayne dahil nakita niyang suot ko ang bigay niya.
Nakasalubong namin sina Tyrell at Sophia habang naglalakad.
Napakapit bigla si Sophia sa braso ni Tyrell nang muntik na siyang madapa."Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Tyrell sakanya.
Tumango ito at ininda ang sakit.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...