Chapter 14

33 3 0
                                    

"Tyrell Jade Velesterio and Andrea Nicole Lorenzo!" Naglakad kami ng sabay ni Tyrell sa entrance. Todo ngiti naman samin sila Arwen.

"Before we start the program,let us all welcome Tyrell Velesterio and Andrea Lorenzo for a song number."

Nagpalakpakan ang lahat nang pumwesto na kami ni Tyrell sa harap.
Nagsimula siyang maggitara habang nakatitig sakin.

Narinig ko ang mga bulungan ng mga babae na nanonood. Alam kong di na maiiwasan yun. Kahit anong mangyari ay hindi siya mauubusan ng mga tagasuporta at tagahanga.

Humarap nalang ako sa mga tao dahil mas pinapakaba ako ng mga mata niya.

"Kasi alam mo ba na alam ko nang may tinatago ka pero natakot ka pa.." Napatingin ako kay Zayne na nanood rin. Ngumiti siya sakin kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Di na naman tayo mga bata para itago ang tunay na nararamdaman." Binalik ko ang tingin ko kay Tyrell na ngumiti sakin kaya napangiti na rin ako.

"Wooh!" Umalingawngaw ang boses nila Arwen pagkatapos ng kanta.

Nang oras na ng kainan ay nasa iisang table lang kaming magkakaibigan. Kumakain kami nang tawagin na si Zayne para siya naman ang magperform.

"Lift your head,Baby don't be scared.." Nagtilian na agad ang mga babae.

Narinig ko ang pagtawa ni Sophia. "Kilig na agad sila. Porket alam nilang walang girlfriend si Kuya." Natawa na rin ako at tumitig kay Zayne.

"Ang gwapo niya ngayon ah?" sabi ko. Sumang ayon si Arwen sakin pero agad ding tumawa at nginuso sakin ang katabi kong si Tyrell. Busangot nanaman ang mukha nito. Hindi nalang ako sumagot at tumawa nalang.

Oras na ng sayawan at sumasayaw na ang lahat. Tumayo si Tyrell at naglahad ng kamay sakin. Ngumiti ako at tinanggap yun.

"Ang ganda mo talaga.." bulong niya sakin. "At hindi ako papayag na matapos ang araw na ito na hindi ka nagiging akin.." dugtong niya.

Lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng pagplay ng isang video sa harap kaya naagaw nito ang atensyon ng lahat ng tao. Nagflash ang lahat ng pictures namin ni Tyrell dun. Sa dulo ay lumabas ang isang video ni Tyrell.

"Ang tagal kong hinintay ang mangyari ito. Ang tagal kong pinangarap na maging akin ka. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Sorry sa mga ginawa kong pagkakamali,sayo at sa ibang mga babae. At ngayon.."

Natapos ang video kaya bumaling na ako sakanya. "Inantay ko ang tamang panahon para itanong sayo ito." Tinitigan niya ako sa mga mata.

"Pwede ko na bang ipagsigawan sa mundo na tayo na? Pwede na ba kitang yakapin at halikan sa harap ng maraming tao? Can I finally call you mine?"

Napaluha na ako sa sobrang saya. Tiningnan ko ang mga kaibigan namin isa isa. Tumango lang silang lahat sakin. "Oo,Tyrell." sagot ko kaya agad niya akong niyakap.


Naghiyawan naman ang mga tao. Kumalas siya sa yakap at may kinuha sa bulsa niya.

Sinuot niya sa akin ang necklace na minsan niya na ring binigay.

"Ito ang simbolo ng pagmamahal ko sayo." wika niya at niyakap ako muli.

Tuwang tuwa si mommy nang sinabi ko sakanya na kami na ni Tyrell.

"Oh! Andyan na pala ang sundo mo anak eh!" Tumawa si mommy. Nagpaalam na ko at dumiretso na sa kotse ni Tyrell.

"Good Morning,baby!" masayang bati niya sakin.
"Morning!" Inabutan niya ako ng hot chocolate ng starbucks bago pinaandar ang sasakyan.

"Iniinvite ka nga pala ni mom sa bahay mamaya para sa dinner. Syempre,they want to meet the girl I love." ngumiti siya sakin.

"Mom,Dad,si Andrea,my girlfriend." pakilala niya sakin. Naglahad ako ng kamay na tinanggap naman nila.

Nakangiti lang sila at kinakausap ako habang kumakain.

"Sabi ko sayo eh,gusto ka nila." nakangiting sabi ni Tyrell habang pauwi.

Umiling nalang ako dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin ako.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon