Zayne's POV
Maggagabi na agad. Ni hindi ko man lang namalayan,masaya kasing kausap si Alyssa.
"Zayne,Alyssa,dun daw tayo sa beach mamayang 8 ha? Magbobonfire." Tumango kaming dalawa.
"Kain muna kami,di kayo sasama?"tanong nila. Lumingon ako kay Alyssa. "Uh,busog pa ako." Lumipat ang mata niya sakin. "Ikaw? Ok lang naman ako dito.." Umiling ako sakanila. "Busog din ako." Tumango sila at umalis na.
Pinagmamasdan namin ang araw na lumulubog habang nagkwekwentuhan.
"Saan ka nag-aral nung gradeschool?" tanong niya sakin.
"Sa public school. Nahiwalay kasi ako sa tunay kong pamilya. Ang swerte ko nga eh,kinupkop ako ng mga mabubuting tao. Ang laki ng utang ko sakanila."Lumambot ang mukha niya. "Talaga? Kaya pala close na close kayo ni Sophia,kasi ang tagal niyong nagkahiwalay." Ngumiti siya.
"Grabe,hinahangaan na tuloy kita..Ang galing mo dahil nakaya mo yun mag-isa.." Ngumiti din ako.
"Hindi naman ako mag-isa,kasama ko yung mga kumupkop sakin,kaya nagpapatuloy ako dahil tinulungan nila akong bumangon..kaya eto ako ngayon,nahanap ko na sila Sophia dahil din sakanila."Napangiti naman siya. "Eh ikaw?" tanong ko sakanya. "Hmm..Wala akong kapatid. Only child ako. Kaya gustong gusto kong umuwi lagi sa probinsya namin eh,para makasama ko yung mga pinsan ko. Sila mommy naman,laging busy sa work..Tapos wala pa akong kaibigan dito.." Ngumiti siya kahit kita ang lungkot sa mga mata niya.
"Anong wala? Andito ako. Pati sila Andrea. Kaibigan mo kami."
Ngumiti naman siya. "Salamat,Zayne." Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya. Kaya tumayo nalang ako at naglahad ng kamay sakanya."Tara? Kain na din tayo,para makasama tayo sakanila mamaya."
Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ko.
Andrea's POV
Bumuntong hininga ako habang hinihila ako ni Tyrell.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Kumakain na silang lahat oh!" sabi ko.
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin.
"Kakain din tayo mamaya. Paunahin na natin sila,ayoko ng masikip." Napailing nalang ako. "Paano ka kaya nagugustuhan ng mga babae? Hindi ka nga marunong makihalubilo eh..Kabaliktad ka ni Zayne,siya madaling lapitan. Tapos lagi pang nakangiti." sabi ko."Syempre,gwapo ako eh." Napangisi nalang ako.
Hindi naman ako makakahindi kasi totoo naman."At simula ngayon, pag pinagselos mo ako,hahalikan kita."
Napailing nalang ako nang bigla niya akong halikan sa labi. Ngumisi siya.
Dinala niya ako sa pinakadulo ng isla. "Anong gagawin natin dito? tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Ewan ko rin. Para masolo kita?" Inirapan ko siya pero pulang pula na ako.Hindi ko talaga maiwasan ang pagpula ng pisngi ko lalo na pag kung anu-ano ang sinasabi niya.
Umupo kami sa buhangin. Sumandal ako sa balikat niya. Pumikit ako nang kumanta siya.
"Kasi alam mo ba,na alam ko nang may tinatago ka pero natatakot pa. Kasi alam mo ba,siguro alam mo na. Parehas lang naman tayong dalawa na nagtatagu-taguan..nagtatagu-taguan. Maliwanag ang buwan,ipaliwanag mo naman. Hanggang kailan tayo magbibilang."
Tumigil siya sa pagkanta at hinawakan ang baba ko para tumingin ako sakanya. Ngumiti siya pagkatapos akong titigan ng matagal.
Nilapit niya ang mukha niya sakin hanggang naramdaman ko na ang labi niya. "I love you.." bulong niya.
Kumalas siya at niyakap ako. "Mahal na mahal kita." Napangiti ako.
Sobrang saya sa pakiramdam na yung dating pinapangarap ko lang ay natupad na.
Sasagot na sana ako kaso biglang umingay dahil sa mga sigaw ng mga kaklase ko.
"Kaya pala nawawala eh!"
"Nagsosolo kayo ah?"Tumawa kaming dalawa.
"Kakain muna kami,mauna na kayo. Susunod kami." Nakangising sabi ni Tyrell.
BINABASA MO ANG
Fell From The Beginning
Teen FictionSi Andrea Nicole Lorenzo ay isang nerd na babae na nagkakagusto sa isang playboy na si Tyrell Jade Velesterio. Naisipan niyang yayain ito sa isa sa mga pinakainaabangan niyang okasyon ngunit nasaktan lamang siya. Ginusto niyang magbago. Kinabukasan...