Chapter 28

33 3 1
                                    

"Woooooh!" tuwang tuwang sigaw ng mga kaklase ko matatanggap nila ng regalo.

Kakasimula palang ng christmas party pero sobrang ingay na. Gusto na agad nilang magbigayan ng regalo at wala ng nagawa si Miss kundi pagbigyan kami.

"Ok. Masaya na kayo? Oh? Pwede ng mag-games?" tanong ng kaklase kong naging host ng party.

"Yesssss!" malakas na sigawan nila.

"Ang lalaruin natin ay..newspaper dance! Kaya go na at maghanap na kayo ng partner!" agad na nagkagulo ang mga tao dahil sa sinabi niya habang nakatayo lang kami ni Tyrell at pinapanood sila.

"Hmm..Ang swerte nga naman nung dalawa dyan oh!  Instant kapares!" Tumawa ang mga kaklase ko dahil sa sinabi niya habang ako naman ay pulang-pula.
"Aba! Stay strong nalang!"

"Ok! Ready!"

Nagtuloy kami sa paglalaro hanggang sa lumiit na rin ng lumiit ang newspaper at parami ng parami ang mga natatalo.

Hanggang sa kami nalang ni Tyrell at sila Zayne at Alyssa nalang ang natira.

"Pagbigyan niyo na kami!" sabi ni Zayne. Tumawa naman ako at bumaling kay Tyrell.

"Pagbigyan na natin sila." Ngumuso naman siya.
"Pero sayang naman effort natin kung magpapatalo din pala tayo?" sabi niya.

"Laro lang naman yan eh." natatawang sagot ko.
"Sige magpapatalo tayo, pero hahalikan mo ko."

"Ha? Bakit may kapalit? Sige wag na natin silang pagbigya-" naputol ako sa pagsasalita dahil sa biglang paghalik niya sakin.

Tumingin ako sa paligid at nakahinga ng maluwag ng nakitang hindi iyon nakita ni Miss dahil nakatalikod siya. "Pasaway ka talaga." umiiling na sabi ko at ngumisi lang siya.

"Yeeeey!" sigaw ni Zayne habang nakangiti lang si Alyssa. Napangiti nalang ako sa kanila.

Pagkatapos ng kainan ay pwede ng umuwi pero sabi ni Arwen ay magpicture muna kami.

Hinintay naming makaalis ang lahat at maging bakante ang classroom bago kami nagpicture.

"Memories to!" sabi niya. Nagpapicture silang dalawa ng boyfriend niya at pinicturan din niya kaming dalawa ni Tyrell.

"Dali na! Walang hiyaan dito!" pilit niya sa dalawang umaayaw na si Zayne at Alyssa.

Sa huli ay napapayag din nila ito.
"Ok! Group picture nama-"

"Hey guys! Can I join?" Naputol si Arwen sa pagsasalita dahil sa tawag na iyon.

"Itong babaeng to nanaman?" inis na bulong niya nang nakitang si Alyssa iyon,yung mataray na Alyssa.

Kumunot naman ang noo ko nang deretso siyang tumabi kay Tyrell at nginitian nina ito kahit walang sumagot samin.

"Oh! Pwedeng papic din kami ni Tyrell? Thank you!" sabi niya pa kay Arwen na hindi maipinta ang mukha.

Kumunot lalo ang noo ko at nag-iwas nalang ng tingin.
"Kayong dalawa lang?" inis na tanong pa ni Arwen.

"Uh.. Yup!"
"Ayoko." malamig na sagot ni Tyrell.

"Uh.. Uh.. Isama nalang natin si Andrea."

Pilit na ngiti ang iginawad namin ni Tyrell sa camera.
Nasa gitna si Tyrell kaya ngiting-ngiti naman si Alyssa.

"Wait! Isa pa please!" sabi pa niya at pinagpalit sila ni Tyrell dahilan para siya ang mapunta sa gitna.

"Bwiset! 1! 2! 3! Oh! Ayos na!" Hindi na napigilan ni Arwen ang inis niya kaya nanatiling tahimik sila Zayne sa gilid.

Nagkatinginan kami ni Tyrell at pilit na ngumiti sa isa't isa.

Si Alyssa naman ay nakangiting tiningnan ang mga pictures namin sa camera na parang hindi marunong makiramdam.

Fell From The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon